Ito ang kasaysayan tungkol sa langit at lupa, sa araw na likhain ng Panginoo ng Diyos ang langit at lupa. Genesis 2:4. PnL
Inaangkin ng mga geologo na nakatuklas sila ng mga katibayan mula sa lupa mismo na ito’y mas matanda kaysa itinuturo ng talaan ni Moises. Ang mga buto ng tao at hayop, pati na ang mga kagamitan sa pakikidigma, mga naging batong punungkahoy, at iba pa, na mas malaki kaysa mga umiiral ngayon, o umiral libong taon na ang nakararaan, ay natuklasan, at mula rito ay inakalang nagkaroon na ang mundo ng tao mahabang panahon na ang nakalilipas bago pa ang panahon na ipinakita ang tala ng paglalang, at sa pamamagitan ng isang lahi na higit na mataas ang laki sa sinumang tao na nabubuhay ngayon. Ang ganitong pangangatwiran ang nagdala sa maraming mga nagpapahayag na naniniwala sa Biblia na tanggapin ang posisyon na ang mga araw ng paglalang ay malawak at walang hangganang panahon. PnL
Ngunit hiwalay sa kasaysayan ng Biblia, walang kayang patunayan ang geolohiya. Silang may napakakompiyansang nangangatwiran sa mga nadiskubre nito’y walang sapat na palagay sa mga sukat ng mga tao, hayop, at punungkahoy bago ang Baha, o ang mga dakilang pagbabagong naganap. Ang mga labi na nakita sa lupa ay nagbibigay ng katibayan tungkol sa kalagayan na kakaiba sa maraming paraan mula sa kasalukuyan, ngunit ang panahon kung saan naganap ang mga kalagayang ito’y matututuhan lang mula sa Kinasihang Talaan. Sa kasaysayan ng Baha, ang ipinaliwanag ng kinasihan ang di-kailanman kayang arukin ng geolohiya. Noong panahon ni Noe, ang mga tao, hayop, at punungkahoy, na maraming beses ang laki kaysa mga nabubuhay ngayon, ay nalibing, kaya napapanatili ang mga ito bilang katibayan para sa mga susunod na henerasyon na ang mga nilalang bago ang Baha ay namatay dahil sa baha. Pinanukala ng Diyos na ang pagkadiskubre sa mga bagay na ito’y magpapatibay sa pananampalataya sa kinasihang kasaysayan, ngunit ang mga lalaki at babae, dahil sa kanilang maling pagiisip, ay nahulog sa kaparehong kamalian na gaya ng mga tao bago ang Baha—ang mga bagay na ibinigay ng Diyos bilang kapakinabangan, ay binaligtad nila tungo sa sumpa sa pamamagitan ng maling paggamit nito. PnL
Isa ito sa mga paraan ni Satanas upang dalhin ang mga tao na tanggapin ang mga hakahaka ng kataksilan; sapagkat kaya niyang palabuin ang kautusan ng Diyos, na sa sarili nito’y malinaw, at palakasin ang loob nila para magrebelde sa makalangit na pamahalaan. Ang mga pagsisikap niya’y tanging nakatuon laban sa ikaapat na utos, sapagkat malinaw na nakatuon ito sa buhay na Diyos, ang Manlalalang ng mga langit at ng lupa. PnL
May patuloy na pagsisikap ang ginagawa upang ipaliwanag ang gawain ng paglalang bialng resulta ng mga natural na dahilan; at ang mga pangangatwiran ng tao ay tinatanggap ng mga nagpapahayag na Cristiano, na laban sa maliwanag na katotohanan ng Kasulatan.— Patriarchs And Prophets, pp. 112, 113. PnL