Ngunit kayo'y isang lahing pinili, isang maharlikang pagkapari, isang bayang banal. 1 Pedro 2:9. PnL
Nang iligtas ng Panginoon ang Kanyang bayan mula sa Ehipto at ibinigay sa kanila ang kautusan, tinuruan Niya sila na sa pamamagitan ng pangingilin ng Sabbath, makikilala ang pagkakaiba nila mula sa mga sumasamba sa diyus-diyosan. Ito ang gumawa ng pagkakaiba sa pagitan nilang kumikilala sa soberanya ng Diyos at sa mga tumatangging tanggapin Siya bilang Manlalalang at Hari. PnL
Dahil ang Sabbath ang tanda na nagbubukod sa Israel nang sila’y lumabas mula sa Ehipto at pumasok sa makalupang Canaan, ito rin naman ang tanda na nagbubukod sa bayan ng Diyos sa kanilang paglabas mula as mundong ito para pumasok sa kapahingahang mula sa langit. Ang Sabbath ay isang tanda ng relasyong nananatili sa pagitan ng Diyos at ng Kanyang bayan, isang tanda na kanilang iginagalang ang Kanyang kautusan. Ipinapakita nito ang pagkakaiba ng Kanyang mga tapat na nasasakupan at ng mga sumusuway. PnL
Mula sa haliging ulap, ipinahayag ni Cristo ang tungkol sa Sabbath: “Inyong ipapangilin ang Aking mga Sabbath, sapagkat ito’y isang tanda sa Akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga salinlahi, upang inyong makilala na akong Panginoon ang nagpabanal sa inyo.” (Exodo 31:13.) Ibinigay ng Diyos sa mundo ang Sabbath bilang tanda ng Diyos na Siya ang Manlalalang at isa ring tanda bilang Nagpapabanal. Ang kapangyarihang lumikha ng lahat ng bagay ay ang kapangyarihan rin na muling lumikha sa kaluluwa ng Kanyang sariling kahawig. Para sa mga nag-iingat na maging banal, ang araw ng Sabbath ito’y tanda ng pagpapakabanal. Ang tunay na pagpapakabanal ay kaayon sa Diyos, pakikiisa sa Kanyang karakter. At ang Sabbath ay tanda ng pagsunod. Ang mga taong mula sa puso ay sumusunod sa ikaapat na utos ay susundin ang buong utos. Sila’y pinabanal dahil sa pagsunod. PnL
Sa atin at gayon rin sa Israel ang Sabbath ay ipinagkaloob para sa “walang hanggang tipan.” Para sa kanilang gumagalang sa Kanyang banal na araw, ang Sabbath ay isang tanda na kinikilala ng Diyos sila bilang Kanyang bayang pinili. Ito’y isang pangakong tutuparin Niya sa kanila ang Kanyang tipan. Ang lahat na tumanggap ng tanda ng pamahalaan ng Diyos ay naglalagak ng kanilang mga sarili sa ilalim ng makalangit at walang hanggang tipan. . . . PnL
Ang ikaapat na utos lang sa lahat ng sampu ang naglalaman ng tanda ng dakilang Tagapagbigay ng kautusan, ang Manlalalang ng sangkalangitan at ng lupa. Ang mga taong sumusunod sa kautusang ito’y kinukuha rin ang Kanyang pangalan, at ang lahat ng mga pagpapalang kasama dito ay para sa kanila.— Testimonies For The Church, vol. 6, pp. 349, 350. PnL