Ang mga nagpaparangal sa Akin ay Aking pararangalan. 1 Samuel 2:30. PnL
Kapag ganito inalaala ang Sabbath, hindi pahihintulutan ang mga pansamantala na makapasok sa espirituwal. Walang katungkulan patungkol sa anim na araw ng paggawa ang ititira para sa Sabbath. Sa buong sanlinggo ang ating lakas ay hindi dapat maubos sa pansamantalang gawain para sa araw nagpahinga at naginhawaan ang Panginoon, tayo rin ay masyadong mapapagod para gumawa sa Kanyang gawain. . . . PnL
Sa Biyernes hayaang matapos ang paghahanda para sa Sabbath. Dapat na tiyaking nakahanda na ang mga damit at ang lahat ng pagluluto ay tapos na. paitimin na ang mga sapatos at nakapaligo na. Posibleng gawin ito. Kung gagawin mo itong isang pamantayan, magagawa mo ito. Ang Sabbath ay hindi dapat gugulin sa pagaayos ng mga damit, sa pagluluto ng pagkain, sa pag-aaliw, o sa anupamang mga makamundong gawain. Bago lumubog ang araw, itabi ang mga gawaing sekyular at itago ang lahat ng mga sekyular na mga papeles. Mga magulang, ipaliwanag ang inyong gawain at ang mga layunin sa inyong mga anak, at hayaan silang magkaroon ng bahagi sa paghahanda upang ipangilin ang Sabbath ayon sa kautusan. PnL
Dapat maingat nating bantayan ang mga dulo ng Sabbath. Alalahanin nating itinalaga at banal ang bawat sandali nito. Kung saan man posible, ang mga nagpapatrabaho ay bigyan ang kanilang trabahador ng ilang oras mula sa tanghali ng Biyernes hanggang sa pasimula ng Sabbath. Bigyan sila ng panahon para sa paghahanda, upang kanilang katagpuin ang araw ng Panginoon na may katahimikan ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng ganitong gawain hindi ka makararanas ng pagkawala ng mga panandaliang bagay. PnL
Mayroon pang isang gawaing dapat bigyan ng pansin sa araw ng paghahanda. Sa araw na ito ang mga pag-aaway ng mga anak ng Diyos, kahit ito man ay sa pamilya o sa iglesya, ay dapat na tapusin. Hayaan na ang mga sama-ng-loob at galit at masamang hangarin ay dapat alisin sa kaluluwa. Sa isang mapagpakumbabang espiritu ay, “ipahayag sa isa’t isa ang inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling.” (Santiago 5:16.) PnL
Bago magsimula ang Sabbath, ang isipan pati na rin ang katawan ay dapat ilayo sa mga gawain ng mundo. Itinakda ng Diyos ang Kanyang Sabbath sa dulo ng anim na araw ng paggawa, upang sila’y tumigil at pagbulay-bulayan ang mga nagawa sa buong linggo bilang paghahanda para sa dalisay na kaharian na hindi tumatanggap ng mga kasalanan. Dapat nating alalahanin sa bawat Sabbath kasama ng ating kaluluwa upang makita kung ang nagtapos na sanlinggo ay nagbigay sa atin ng espirituwal na pakinabang o pagkawala. PnL
Nangangahulugan ito ng walang hanggang kaligtasan na ingatang banal ang Sabbath para sa Panginoon.— Testimonies For The Church, vol. 6, pp. 354-356. PnL