Kayang iisiping baguhin ang mga panahon at ang kautusan. Daniel 7:25. PnL
Ang espiritu ng pagpapahintulot sa paganismo ang nagbukas ng daan para sa patuloy na pagwawalang-bahala sa awtoridad ng Langit. Si Satanas, na kumikilos sa pamamagitan ng mga di-banal na mga namumuno ng iglesya, ay pinakialaman din ang ikapitong utos, at sinubukang balewalain ang matandang Sabbath, ang araw na pinagpala at pinabanal ng Diyos (Genesis 2:2, 3), at kapalit nito’y itinanghal ang piyestang ipinangilin ng mga pagano bilang “kapita-pitagan na araw ng araw.” Ang pagbabagong ito sa una ay hindi hayagang sinubukan. Noong unang siglo ang Sabbath ay ipinangilin ng lahat ng Cristiano. Sila’y maingat para parangalan ang Diyos, at naniniwalang nang Kanyang utos ay di-nagbabago, maingat nilang binantayan ang kabanalan ng Kanyang mga alituntunin. Ngunit sa pamamagitan ng maingat na pandaraya, gumawa si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang mga ahente na ipasunod ang kanyang layunin. Upang matawag ang atensyon ng mga tao sa araw ng Linggo, ginawa itong piyesta para sa karangalan ng pagkabuhay na mag-uli ni Cristo. Ang mga serbisyo sa relihiyon ay isinasagawa rito; ngunit itinuturing din itong para ng paglilibang, ang Sabbath ay pinapanatili pa ring banal. PnL
Upang ihanda ang daan para maisakatuparan ang panukala niyang inihanda, pinatnubayan ni Satanas ang mga Judio, bago dumating si Cristo, na lagyan ng pabigat ang Sabbath ng mga pinakamahirap na mga utos, upang ang pangingilin dito ay maging isang pasanin. Ngayon, para samantalahin ang maling liwanag na kanyang ginawa para ganito ang turing dito, kanyang nilagyan ito ng kaiinisan bilang isang institusyon ng mga Judio. Habang sa pangkalahatan ang mga Cristiano ay patuloy na nangingilin ng Linggo bilang isang masayang pagdiriwang, pinatnubayan niya sila, upang ipakita ang kanilang pagkasuklam sa mga Judio, na gawing isang pag-aayuno, isang araw ng kalungkutan, at kalumbayan ang Sabbath. . . . PnL
Ang pinunong mandaraya ay hindi pa natapos ang kanyang gawain. Siya’y disididong tipunin ang lahat ng mga Cristiano sa ilalim ng kanyang bandila at isagawa ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng kanyang pangalawang pinuno, ang mayabang na pari na nag-aangking siya ang kinatawan ni Cristo. Sa pamamagitan ng mga di-masyadong nahikayat na mga pagano, mga ambisyosong pari, at nagmamahal sa mundo na mga kaanib ng simbahan ay isinagawa niya ang kanyang layunin. Malawakang mga konsilyo ang paminsan-minsang isinagawa, na kung saan ang mga mataas na opisyal ng iglesya ay tinipon mula sa buong mundo. Halos sa lahat ng konsilyo, ang Sabbath na ipinatupad ng Diyos ay unti-unting pinababa, habang ang Linggo ay itinatanghal. Kaya sa huli ang piyesta ng mga pagano ay iginalang bilang isang makalangit na institusyon, habang ang Sabbath ng Biblia ay ipinahayag na isang labi ng Judaismo, at ang mga nangingilin nito’y idineklarang mga isinumpa.— The Great Controversy, pp. 52, 53. PnL