Magmahalan kayo na may pag-ibig bilang magkakapatid; sa pagpaparangal sa iba ay mag-unahan kayo. Roma 12:10. PnL
May malalim akong na interes sa mga kabataan at may malaking pagnanais na makita silang nagsisikap sa sakdal na Cristianong karakter, na naghahanap sa pamamagitan ng masidhing pag-aaral at taimtim na pananalangin para magkaroon ng kasanayang mahalaga sa katanggap-tanggap na paglilingkod sa gawain ng Diyos. Nasasabik akong makita silang nagtutulungan sa isa’t-isa na maabot ang mas mataas na karanasang Cristiano. PnL
Naparito sa Cristo para turuan ang mga pamilya ng sangkatauhan sa daan ng kaligtasan, at ginawa Niya itong napakalinaw na kahit bata ay makalalakad dito. Nanawagan Siya sa Kanyang mga alagad na sumunod para makilala ang Panginoon; at habang araw-araw silang sumusunod sa Kanyang pangunguna, kanilang natutuhan na ang Kanyang mga lakad ay nakahandang gaya ng umaga. PnL
Nakita mo ang araw na sumisikat, at ang dahan-dahang pagdating ng hapon sa lupa at sa kalangitan. Unti-unting umaangat ang bukang liwayway, hanggang sa makita ang araw; pagkatapos dahan-dahang patuloy na lumalakas ang liwanag at higit na lumiliwanag hanggang sa lubos na marating ang kaluwalhatian ng katanghaliang tapat. Ito’y isang napakagandang paglalarawan sa nais gawin ng Diyos para sa Kanyang mga anak sa pagpapasakdal ng kanilang karanasang Cristiano. Habang lumalakad tayo araw-araw sa liwanag na Kanyang ibinibigay sa atin, sa pagpapasakop na sumusunod sa lahat ng mga hinihingi Niya sa atin, lumalago at lumalawak ang ating mga karanasan hanggang sa maabot natin ang sukat ng kapuspusan ng mga lalaki at babae kay Cristo Jesus. PnL
Kailangang panatilihin ng mga kabataan sa kanilang harapan ang daang sinundan ni Cristo. Sa bawat hakbang ito’y daan ng pagtatagumpay. Si Cristo ay hindi naparito sa mundo bilang hari, para pagharian ang mga bansa. Siya’y naparito bilang isang taong mapagkumbaba, para tuksuhin, at para pagtagumpayan ang tukso, para sumunod, na gaya ng dapat nating gawin, para makilala ang Panginoon. Matututuhan natin sa pag-aaral ng Kanyang buhay kung gaano sa pamamagitan Niya ang gagawin ng Diyos para sa Kanyang mga anak. At ating matututuhan ito, na gaano man kalaki ang ating pagsubok, hindi ito hihigit sa hinarap ni Crsito para lamang malaman natin ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Sa pamamagitan ng buhay na sumasang-ayon sa Kanyang mga halimbawa, ating maipakikita ang pagkilala natin sa Kanyang sakripisyo para sa atin. PnL
Ang mga kabataan ay binili sa napakalaking halaga, ang dugo ng Anak ng Diyos. Ating isipin ang sakripisyo ng Ama sa pagpapahintulot sa Kanyang Anak na gumawa ng sakripisyong ito. Isipin ang binitawan ni Cristo nang Kanyang iwan ang kalangitan at ang makaharing trono, para ibigay ang Kanyang sarili para maging pang-araw-araw na handog para sa atin. Siya’y nagdusa ng panunumbat at pang-aabuso. Kanyang dinala ang lahat ng pang-iinsulto at pangungutya na maibubunton sa Kanya ng masasamang mga tao. At nang matapos Niya ang Kanyang pansanlibutang paglilingkod, Siya’y nagdusa ng kamatayan sa krus.— Messages To Young People , pp. 15, 16. PnL