Sapagkat ano ang mapapakinabang ng tao, kung makamtan niya ang buong sanlibutan ngunit mawawala naman ang kanyang buhay? Mateo 16:26. PnL
Ninanais ng Diyos na ang mga kabataan ay maging mga taong may masigasig na pag-iisip, para maging handa sa pagkilos sa Kanyang marangal na gawain, at handang gumanap ng mga responsibilidad. Ang Diyos ay tumatawag sa mga kabataang may pusong di-nadungisan, malakas at matapang, at determinadong lumaban sa sagupaan sa harapan nila, para kanilang maluwalhati ang Diyos, at pagpalain ang sangkatauhan. Kung mag-aaral lang ang mga kabataan ng Biblia, mapipigil ang kanilang mapusok na hangarin, at makikinig sa tinig ng kanilang Manlilikha at Manunubos, hindi lang magkakaroon ng kapayapaan sa Diyos, sa halip makikita nila ang kanilang sarili na pinarangal at itinaas. Ito’y para sa inyong pangwalang hanggang kapakanan, mga kaibigan kong kabataan, na pakinggan ang aral sa salita ng Diyos, sapagkat ito’y may di-masukat na kahalagahan para sa iyo. PnL
Ako’y nanawagan sa inyo na maging matalino, at pag-isipan ang magiging resulta ng pagsunod sa naligaw na buhay, na hindi pinangungunahan ng Espiritu ng Diyos. “Huwag kayong padaya; ang Diyos ay hindi maaaring lokohin, sapagkat ang anumang ihasik ng tao, ay siya rin niyang aanihin.” Para sa kapakanan ng sariling kaluluwa, para kay Cristo, na ibinigay ang Kanyang sarili para iligtas tayo sa pagkapahamak, tumigil saglit sa pasimula ng iyong buhay, at timbangin nang mabuti ang iyong mga responsibilidad, ang iyong mga oportunidad, ang iyong mga posibilidad. Ang Diyos ay nagbigay sa iyo ng pagkakataong punan ang mataas na kapalaran. Ang iyong impluwensya ay maaaring magsalita para sa mga katotohanan ng Diyos; maaari kang maging kamanggagawa ng Diyos sa dakilang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Kung pahahalagahan lamang ng kabataan ang mataas na kapalaran kung saan sila tinawagan! Pag-isipang mabuti ang iyong mga lakad. Umpisahan ang iyong gawain na may mataas at banal na layunin, at maging determinado na sa pamamagitan ng kapangyarihan ng biyaya ng Diyos, hindi hihiwalay sa daan ng pagkamatuwid. Kung nag-umpisa kang dumaan sa maling direksyon, ang bawat hakbang ay puno ng panganib at sakuna at ikaw ay magpapatuloy na naliligaw mula sa daan ng katotohanan, kaligtasan, at tagumpay. Kailangan mong palakasin ang iyong kaisipan, buhayin ang iyong lakas na moral, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. PnL
Ang gawain ng Panginoon ay nangangailangan ng pinakamataas na kapangyarihan ng pagkatao, at may malaking pangangailangan sa maraming bukiran para sa mga kabataang may pangliteraturang kwalipikasyon. May pangangailangan sa mga taong mapagkakatiwalaang gumawa sa mas malawak na bukiran na ngayon ay handang para anihin. Ang mga kabataang may ordinaryong abilidad, na buong ipinagkakaloob ang kanilang mga sarili sa Diyos, na hindi nadungisan ng bisyo at karumihan, ay magiging matagumpay, at bibigyan ng kakayahang gumawa ng mga dakilang gawain para sa Diyos.— Messages To Young People , pp. 21, 22. PnL