Ipangaral mo ang salita, magsikap ka sa kapanahunan at sa di kapanahunan, magtuwid ka, manaway ka, mangaral ka na may buong pagtitiyaga at pagtuturo. 2 Timoteo 4:2. PnL
Nasa iyong maaabot ang higit pa sa may hangganang mga posibilidad. Ang tao, sa paggamit ng Diyos sa salitang ito, ay anak ng Diyos. “Ngayon ay mga anak tayo ng Diyos at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. . . . At sinumang may ganitong pag-asa sa kanya ay naglilinis sa kanyang sarili, gaya naman Niyang malinis.” Ito’y iyong pribilehiyong tumalikod palayo mula sa walang halaga at mababa, at umangat tungo sa isang mataas na pamantayan—para irespeto ng iba at maging minamahal ng Diyos. PnL
Ang gawaing pangrelihiyon na ibinigay ng Diyos sa mga kabataan, at sa mga tao sa lahat ng panahon, ay nagpapakita ng respeto sa kanila bilang Kanyang mga anak. Binibigyan sila ng gawaing pamunuan ang kanilang sarili. Sila’y Kanyang tinatawagan upang maging mga kabahagi kasama Siya sa dakilang gawain ng pagtubos at pagaangat. Kung paanong isinasama ng ama ang kanyang anak bilang katuwang sa negosyo, gayundin ginagawang sariling katuwang ng Panginoon ang Kanyang mga anak. Ginawa tayong kamanggagawa kasama ng Diyos. Sinasabi ni Jesus, “Kung paanong Ako’y iyong sinugo sa sanlibutan, sila ay sinugo Ko rin sa sanlibutan.” Hindi ba’t pipiliin mong maging anak ng Diyos kaysa maging lingkod ni Satanas at ng kasalanan, na ang iyong pangalan ay nakarehistro bilang kalaban ni Cristo? PnL
Ang mga kabataan ay nangangailangan ng higit na biyaya ni Cristo upang kanilang madala ang mga prinsipyo ng Cristianismo sa araw-araw na buhay. Ang paghahanda sa pagdating ni Cristo ay ang paghahandang ginagawa sa pamamagitan ni Cristo para sa paggamit ng pinakamataas nating katangian. Isang pribilehiyo ng mga kabataan na ang kanilang karakter ay gawing isang magandang anyo. Ngunit may isang positibong pangangailangan ng pagiging malapit kay Jesus. Siya ang ating kalakasan at kahusayan at kapangyarrihan. Hindi tayo maaaring umasa sa ating sarili ng kahit isang sandali. PnL
Gaano man kalaki, gaano man kaliit ang iyong mga talento, alalahaning ang nasa iyo ay napasaiyo lamang sa pagtitiwala. Sa gayo’y sinusubok ka ng Diyos, na binibigyan ka ng pagkakataong patunayan pagiging totoo mo. Sa Kanya ikaw ay may utang ng lahat ng iyong kakayahan. Sa Kanya kabilang ang lahat ng kakayahan ng iyong katawan, kaisipan, at kaluluwa, at para sa Kanya ay dapat gamitin ang lahat ng kapangyarihang ito. Ang iyong panahon, ang iyong impluwensya, ang iyong kakayahan, ang iyong husay—ang lahat ay dapat maibigay para sa Kanya na nagbigay ng lahat. Sila’y gumagamit ng kanilang kaloob sa pinakamabuti, na nagsisikap sa pamamagitan ng masigasig na pagpupunyagi para maisagawa ang dakilang panukala ng Panginoon sa pag-aangat ng sangkatauhan. PnL
Magtiyaga sa gawaing iyong inumpisahan, hanggang sa makuha mo ang tagumpay pagkatapos ng isa pang tagumpay. Turuan ang iyong sarili sa isang layunin. Panatilihin sa paningin ang matayog na pamantayan, para iyong magawa ang dakila at higit pang dakilang kabutihan, sa gayo’y naipakikilala ang Diyos.— Message To Young People , pp. 47, 48. PnL