Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at naroon, ang napakaraming tao na di mabilang ng sinuman, mula sa bawat bansa, sa lahat ng mga lipi, mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng trono at sa harapan ng Kordero, na nakasuot ng mapuputing damit, at may mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay. Apocalipsis 7:9. PnL
Bilang mga anak na lalaki at babae ng Diyos, dapat pagsikapan ng mga Cristiano na abutin ang pinakamataas na pamantayang nailagay sa harapan nila sa ebanghelyo. Hindi sila dapat makuntento sa anumang bababa sa kasakdalan. . . . PnL
Pag-aralan natin ang Salita ng Diyos, na dinadala ang mga banal na prinsipyo nito sa ating mga buhay. Lumakad tayo sa harapan ng Diyos sa kaamuan at kapakumbabaan, na araw-araw na itinatama ang ating mga pagkakamali. Huwag nating hayaang humiwalay sa Diyos ang kaluluwa sa sariling pagmamataas. Huwag taglayin sa ating mga puso ang matayog na kapangyarihan, na iniisip ang iyong sarili na higit kaysa iba. “Kaya’t ang nag-aakalang siya’y nakatayo ay mag-ingat na baka siya’y mabuwal.” Ang kapayapaan at kapahingahan ay darating sa iyo habang ipinapasakop ang iyong kalooban sa kalooban ni Cristo. Pagkatapos ay maghahari ang pag-ibig ng Diyos sa mga puso, na ipinasasakop kay Cristo ang malalim na pinagmumulan ng mga kilos. Ang madali at mabilis na maging mainitin ang ulo ay pasusukuin ng langis ng biyaya ni Cristo. Ang pagkadama sa kasalanang napatawad ay magdadala ng kapayapaang iyon na higit pa sa pagkaunawa. Magkakaroon ng masidhing pagsisikap na pagtagumpayan ang lahat ng hadlang sa kasakdalang Cristiano. Maglalaho ang mga pagtatalo-talo. Ang mga nakakikita ng kakulangan sa iba sa paligid niya’y makakikita nang higit na malaking kakulangan sa kanilang mga sariling karakter. PnL
Mayroong mga nakikinig sa katotohanan, at nakumbinseng sila’y nabubuhay na hindi kasang-ayon kay Cristo. Sila’y nasa paghatol, at sila’y nagsisisi sa mga kasalanang iyon. Nagtitiwala sila sa katuwiran ni Cristo, nanampalatayang totoo sa Kanya, sila’y tumanggap ng kapatawaran. Sa kanilang pagtigil sa pagkakasala at pagkatutong gumawa nang mabuti, sila’y lumalago sa biyaya at pagkakilala sa Diyos. Kanilang nakitang dapat silang magsakripisyo para makahiwalay sa sanlibutan, at pagkatapos kuwentahin ang gugugulin, tinitingnan nilang kawalan kung hindi maaangkin si Cristo. Sila’y umanib sa hukbo ni Cristo. Ang digmaan ay nasa harapan nila, at kanila itong hinaharap na may kapanatagan at may kasiyahan, nakikipaglaban sa sariling natural na hilig at makasariling nais na dinadala ang sariling kalooban sa pagpapasakop sa kalooban ni Cristo. Araw-araw silang lumalapit sa Panginoon para sa biyaya para masunod Siya, at sila’y mapalalakas at matutulungan. Ito ang tunay na pagbabago. May pagpapakumbaba, at mapagpasalamat na pagdepende, umaasa sa tulong ni Cristo silang mga nabigyan ng isang bagong puso. Ipinapakita nila sa kanilang mga buhay ang bunga ng katuwiran. Minsan nilang inibig ang kanilang mga sarili. Ang makasanlibutang kasiyahan ang kanilang galak. Naibaba na ngayon ang kanilang diyus-diyosan, at naghaharing pinakamataas ang Diyos.— The Youth’s Instructor, September 26, 1901. PnL