Ngayon nga'y wala nang kahatulan sa mga na kay Cristo Jesus. na hindi lumalakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. Roma 8:1. PnL
Hindi nagpapawalang halaga ang tunay na edukasyon sa siyentipikong kaalaman o pagkakaroon ng kakayahang pangliteratura; ngunit higit sa impormasyon ay nagpapahalaga ito sa kapangyarihan; sa ibabaw ng kapangyarihan ay kabutihan, higit sa intelektuwal na kapangyarihan ay karakter. Mas kailangan ng sanlibutan ang marangal na karakter kaysa malaking kaalaman. Nangangailangan ito ng mga babae at lalaki na ang abilidad ay kontrolado ng matatag na prinsipyo. PnL
“Ang pasimula ng karunungan ay ito: Kunin mo ang karunungan, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.” “Ang dila ng marunong ay nagbabadya ng kaalaman.” (Kawikaan 4:7; 15:2.) Ang totoong edukasyon ay nagbibigay ng karunungang ito. Ito’y nagtuturo ng pinakamabuting paggamit hindi lang ng isa kundi ng lahat ng kapangyarihan at kaalaman. Sa gayo’y sinasakop nito ang kabuuan ng lahat ng obligasyon—sa ating mga sarili, sa sanlibutan, at sa Diyos. PnL
Ang pabubuo ng karakter ang pinakamahalagang gawaing ipinagkatiwala sa mga tao, at hindi kailanman higit na naging mahalaga ang pag-aaral nito na gaya ngayon. Wala pa sa nakalipas na henerasyon ang tinawag para harapin ang napakadakilang mga usapin, hindi pa nangyari na ang mga kabataang lalaki at babae ay humarap sa malaking panganib na kinakaharap natin ngayon. PnL
Sa ganitong mga kapanahunan, ano ang kalakaran ng edukasyong ibinigay? Ano ang motibo sa kabila ng mga ginagawang mga panawagan? Mga pansarili. Karamihan sa edukasyong ibinibigay ay pagbaluktot sa pangalan. Sa totoong edukasyon, ang pansariling ambisyon, ang kasakiman sa kapangyarihan, ang pagwawalang bahala sa karapatan at pangangailangan ng sangkatauhan, na mga sumpa sa ating mundo, ay nakatatagpo ng kalabang impluwensya. Ang plano ng Diyos sa buhay ay may lugar sa bawat tao. Kailangang palaguin ng lahat ang kanilang mga talento sa sukdulan; at ang katapatan sa paggawa nito, maging kaloob man na kaunti o marami, ay magbibigay karapatan sa isa para sa karangalan. Sa plano ng Diyos ay walang bahagi para sa pansariling kompitensya. Yaong sinusukat ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang sarili, at nagkukumpara ng kanilang sarili sa kanilang mga sarili, ay hindi pantas. (1 Corinto 2:12.) Anumang ating gagawin ay kailangang gawing “mula sa kalakasang ibinibigay ng Diyos.” (1 Pedro 4:11.) Ito’y dapat gawin “ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao; yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang gantimpalang mana. Paglingkuran ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo.” (Colosas 3:23, 24.) Mahalaga ang paglilingkod na ginawa at naabot na edukasyon sa pagdadala ng mga prinsipyong ito. Ngunit gaano kalaki ang pagkakaiba sa maraming mga edukasyong ibinibigay na ngayon! Mula pa sa pinakaunang bahagi ng pagkabata ito na ay panawagan sa paggaya at pagkompitensya; pinagyayaman nito ang pagkamakasarili, ang ugat ng lahat ng kasamaan.— Education , pp. 225, 226. PnL