Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay espiritu at buhay. Juan 6:63. PnL
Ang Biblia ay hindi isinulat para lamang sa mga iskolar; kundi, ito’y idinisenyo para sa simpleng mga tao. Ang mga dakilang katotohanang kinakailangan para sa kaligtasan ay ginawang kasing linaw ng katanghalian; at walang magkakamali at maliligaw sa kanilang landas maliban sa mga sumusunod sa sarili nilang paghatol sa halip na sa malinaw na inihayag na kalooban ng Diyos. PnL
Hindi natin dapat tanggapin ang patotoo ng sinuman tungkol sa kung ano ang itinuturo ng mga Kasulatan, kundi dapat nating pag-aralan ang mga salita ng Diyos sa sarili natin. Kung pahihintulutan natin na iba ang mag-isip para sa atin, magkakaroon tayo ng nalumpong kalakasan at lumiit na mga kakayahan. Ang marangal na mga kapangyarihan ng isipan ay maaaring mapaliit nang husto ng kakulangan ng pagsasanay sa mga temang karapat-dapat pagtuunan ng isipan upang mawala sa kanila ang kakayahang maintindihan ang malalim na kahulugan ng salita ng Diyos. Lalawak ang isipan kung ito’y gagamitin sa pagsasaliksik ng mga ugnayan ng mga paksa ng Biblia, sa paghahambing ng kasulatan sa kasulatan at sa mga espirituwal na bagay sa mga espirituwal. PnL
Wala nang bagay na mas mas natatantiya para mapalakas ang pag-iisip kaysa pagaaral ng Kasulatan. Walang ibang aklat ang napakamakapangyarihan para itaas ang isipan, pasiglahin ang mga kakayahan, na tulad sa malawak at nakapagpapadakilang mga katotohanan ng Biblia. Kung napag-aaralan ang Salita sa tamang paraan, magkakaroon ang mga tao ng malawak na kaisipan, dangal ng pagkatao, at katatagan ng layunin na madalang na makita sa panahong ito. PnL
Ngunit kakaunting pakinabang lamang ang makukuha sa dagliang pagbabasa ng mga Kasulatan. Maaaring mabasa ng isang tao ang buong Biblia nang diretso gayunman ay mabigong makita ang kagandahan nito at maunawaan ang malalalim at nakatagong kahulugan nito. Ang isang talatang pinag-aralan hanggang sa maging malinaw ang kahalagahan nito at mapatunayan ang kaugnayan nito sa plano ng kaligtasan, ay higit na mahalaga kaysa pagbabasa ng maraming mga kapitulo na walang tiyak na layunin at walang positibong tagubiling matatamo. Laging dalhin ang Biblia. Basahin ito kung may pagkakataon; magsaulo ng mga talata. Maaaring basahin ang isang talata at pagbulay-bulayan ito kahit habang naglalakad, sa gayo’y maipapako ito sa isipan. PnL
Hindi natin matatamo ang karunungan kung walang matamang pagpansin at mapanalangining pag-aaral. . . . Dapat magkaroon ng maingat na pagsasaliksik at mapanalangining pagdidili-dili. At ang gayong pag-aaral ay saganang magagantimpalaan.... PnL
Hindi kailanman dapat pag-aralan ang Biblia nang walang panalangin. Bago buksan ang mga pahina nito, dapat nating hingin ang kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu at ito’y ipagkakaloob.— Steps to Christ, pp. 89-91. PnL