At ang lahat, ang hamak at ang dakila, ang mayayaman at ang mga dukha, ang mga malaya at ang mga alipin ay pinalagyan nito ng isang tanda sa kanilang kanang kamay o sa noo. Apocalipsis 13:16. PnL
Habang si Satanas ay sumusubok na puksain ang mga nagpaparangal sa kautusan ng Diyos, sila’y mapaparatangan na lumalabag ng batas, bilang mga lumalapastangan sa Diyos at nagdadala ng paghatol sa mundo. . . . PnL
Ang mga nagpaparangal sa Sabado ng Biblia ay tinuligsa bilang mga kaaway ng batas at kaayusan, tulad ng pagpapabagsak sa mga hadlang sa moralidad ng lipunan, na nagiging sanhi ng anarkiya at katiwalian, at ang pagtawag ng paghatol ng Diyos sa lupa. Ang kanilang masigasig na pagtatapat ay maaakusang pagkabalisa, katigasan ng ulo, at pagwawalang-bahala sa awtoridad. Sila’y aakusahang nakikipag-alit sa pamahalaan. Ang mga ministrong tumatanggi sa tungkulin ng banal na kautusan ay ihahayag sa pulpito ang pagsunod sa awtoridad ay inordenahan ng Diyos. Sa mga bulwagan ng lehislatura at hukuman, ang mga sumusunod sa utos ay mapagmamalian at hahatulan. Kanilang bibigyan ng ibang pakahulugan ang mga salita, at kanilang gagawan ng masamang motibo. PnL
Sa pagtanggi ng mga iglesyang Protestante sa malilinaw na katuwirang mula sa Kasulatan na nagsasanggalang sa kautusan ng Diyos, ay pananabikan nilang mapatahimik iyong mga may pananampalatayang hindi nila maibagsak sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan. Bagaman ipinikit nila ang kanilang mga mata sa katunayan, ay ginagawa nila ngayon ang isang hakbang na mag-aakay sa pag-uusig sa mga may malinis na budhing tumatanggi sa paggawa ng gaya ng ginagawa ng iba sa mundo ng mga Cristiano, at ayaw kumilala sa mga pag-aangkin ng kapangilinang makapapa. PnL
Ang mga matataas na tao ng iglesya at ng pamahalaan ay makatutulong upang suhulan, hikayatin, o pilitin kaya ang lahat ng tao na igalang ang Linggo. Ang kakulangan ng kapangyarihang mula sa Diyos ay papalitan ng mga mapagpahirap na batas. Ang kabulukan sa politika ay sumisira ng pag-ibig sa katarungan at paggalang sa katotohanan; at maging sa malayang Amerika ang mga makapangyarihan at mangbabatas ay pahihinuhod sa kahilingan ng madla na gumawa ng batas na nag-uutos na ipangilin ang Linggo upang makamtan ang pagtingin ng bayan. Ang kalayaan ng budhi, na binayaran sa pamamagitan ng di-maulatang kahirapan, ay hindi pagpipitaganan. Sa malapit nang dumating na tunggalian ay makikita nating matutupad ang mga pangungusap ng propeta: “Nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang digmain ang nalabi sa binhi ng babae, ang mga tumutupad sa mga utos ng Diyos at ang mga may patotoo ni Jesus.” (Apocalipsis 12:17.)— The Great Controversy , pp. 591, 592. PnL