Kahabag-habag ang lupa at dagat sapagkat ang diyablo'y bumaba sa inyo na may malaking poot, palibhasa'y alam niya na maikli na lamang ang kanyang panahon. Apocalipsis 12:12. PnL
Kinalulugdan ni Satanas ang pagdidigmaan; sapagkat ito ang gumigising sa pinakamasamang damdamin ng kaluluwa, at nagtataboy sa walangm hanggang pagkapahamak sa kanyang mga sinawing gumon sa bisyo at pagbubuhos ng dugo. Ang kanyang layunin ay ang papagdigmain ang mga bansa sapagkat sa ganito ay maaalis niya ang isipan ng mga tao sa gawang paghahanda upang makatayo sa kaarawan ng Diyos. PnL
Gumagawa rin naman si Satanas sa pamamagitan ng mga elemento upang maipon ang kanyang ani na mga hindi handang kaluluwa. Pinag-aralan niya ang mga lihim na paggawa ng kalikasan, at ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan upang pamunuan ang mga elemento ayon sa ipinahihintulot sa kanya ng Diyos. Nang siya’y pahintulutang magpahirap kay Job, ay kaydaling pinalis niya ang mga kawan ng tupa at baka, mga alila, mga bahay, mga anak, sunud-sunod na dumating ang kabagabagan sa isang sandali lang. Ang Diyos ang siyang nagsasanggalang sa Kanyang mga nilikha, at nagkakanlong sa kanila buhat sa kapangyarihan ng manglilipol. Datapwat ang Sangka-cristianuhan ay nagpakita ng paghamak sa kautusan ng Diyos; at gagawin ng Panginoon ang sinabi Niyang kanyang gagawin—babawiin Niya ang Kanyang mga pagpapala sa lupa, at aalisin ang Kanyang pag-iingat doon sa mga naghihimagsik sa Kanyang kautusan at nagtuturo at namimilit sa iba na gumawa ng gayundin. Pinamamahalaan ni Satanas ang lahat ng hindi tanging iniingatan ng Diyos. Lilingapin at pasasaganain niya ang ilan upang maitaguyod ang kanyang mga layunin; at dudulutan naman niya ng bagabag ang mga iba, at papaniniwalain silang ang Diyos ang siyang sa kanila ay nagpapahirap. PnL
Bagaman siya’y nag-aanyo sa mga tao na isang dakilang manggagamot na makapagpapagaling sa lahat nilang karamdaman, ay magdadala siya ng sakit at kapahamakan, hanggang sa maging kagibaan at maging basal ang mga bayang tinatahanan ng maraming tao. Ngayon pa man ay gumagawa na siya. Sa mga bigla at malulubhang kapahamakan at kasakunaan sa dagat at sa lupa, sa malaking sunog, sa mga mapanirang buhawi at kakila-kilabot na bagyo ng yelo, sa mga unos, baha, ipuipo, biglang paglaki ng tubig, at lindol, sa lahat ng dako at sa isang libong anyo, ay ginagamit ni Satanas ang kanyang kapangyarihan. Sinisira niya ang nahihinog na pananim, at nagkakaroon ng kagutom at panglulupaypay. Ang hangin ay pinupuno niya ng sakit, at libu-libo ang napapahamak sa salot. Ang mga pagpaparusang ito ay magiging lalo’t lalong malimit at mapangwasak. Ang kapahamakan ay darating sa tao at sa hayop. “Ang lupa ay tumatangis at natutuyo,” “ang mapagmataas na bayan . . . ay lilipas. Ang lupa ay nadumihan ng mga doo’y naninirahan, sapagkat kanilang sinuway ang kautusan, nilabag ang tuntunin, sinira ang walang hanggang tipan.” (Isaias 24:4, 5.)— The Great Controversy, pp. 589, 590. PnL