Nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang digmain ang nalabi sa binhi ng babae, ang mga tumutupad sa mga utos ng Diyos at ang mga may patotoo ni Jesus. Apocalipsis 12:17. PnL
Sa pamamagitan ng dalawang malaking kamalian: ang hindi pagkamatay ng kaluluwa at ang kabanalan ng Linggo, ay dadalhin ni Satanas ang mga tao sa ilalim ng kanyang mga daya. Samantalang ang una ay nagtatayo ng patibayan ng espiritismo ang ikalawa ay lumilikha ng tali ng pakikiramay ng damdamin sa Roma. Ang mga protestante ng Estados Unidos ay mangungunang mag-unat ng kanilang kamay upang abutin ang kamay ng espiritismo; kanilang aabutin ang kalaliman ng kapangyarihang Romano; at sa ilalim ng impluwensya ng tatlong-miyembrong unyong ito, ang bansang ito’y susunod sa hakbang ng Roma sa pagtapak sa mga karapatan ng budhi. PnL
Sa nalalapit na paggaya ng espiritismo sa Cristianismo ngayon, ito’y may higit na kapangyarihan upang manlinlang at bumihag. Si Satanas mismo ay nagbalik-loob, pagkatapos ng modernong pagkakasunud-sunod ng mga bagay. Siya’y magpapakita ng may likas ng anghel ng liwanag. Sa pamamagitan ng ahensya ng espiritismo, magagawa ang mga himala, gagaling ang mga maysakit, at maraming hindi maikakailang kababalaghan ang magagawa. At bilang mga espiritu ay magpapahayag ng pananampalataya sa Biblia, at nagpapakita ng paggalang sa mga institusyon ng iglesya, tatanggapin ang kanilang gawain bilang pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos. PnL
Ang pagkakaiba sa pagitan ng nag-aangking Cristiano at masasama ay mahirap ng makilala. Ang mga miyembro ng iglesya ay nais kung ano ang nais ng mundo at handang makisama sa kanila, at si Satanas ay determindaong pag-isahin sila sa isang katawan at nang mapalakas ang kanyang balak sa pamamagitan ng pagtangay sa lahat ng hanay ng espiritismo. Ang mga makapapa, na may pagmamalaking nagsasabing ang kababalaghan ay isang tanda ng tunay na iglesya, ay madaling madaraya ng kapangyarihang gumagawa ng kababalaghan; at palibhasa ay itinapon ng mga Protestante ang kalasag ng katotohanan, ay madaraya rin sila. Ang mga makapapa, ang mga Protestante, at ang mga makasanlibutan ay magkakatulad na magsisitanggap ng anyo ng kabanalan na walang kapangyarihan nito, at sa pagkakaisang ito ay makikita nila ang isang kilusang siyang hihikayat sa sanlibutan, at maghahatid ng isang libong taon na malaon nang panahong inaantabayanan. PnL
Sa pamamagitan ng espiritismo, ay magkukunwari si Satanas na mapagkawanggawa sa sangkatauhan, na nilulunasan ang mga karamdaman ng mga tao, at magpapanggap na makapaghaharap ng isang bago at lalong marangal na kaayusan ng relihiyon; samantala ay gumagawa siya bilang isang mangwawasak.— The Great Controversy , pp. 588, 589. PnL