Ang pagdadalamhati ay hindi titindig ng dalawang ulit. Nahum 1:9. PnL
Ang paghihimagsik ni Satanas ay dapat maging aral sa buong daigdigan sa loob ng buong panahong darating, isang walang-paglipas na saksi sa likas at kakila-kilabot na bunga ng kasalanan. Ang pagsasagawa ng pamamahala ni Satanas, ang bunga nito sa mga tao at sa mga anghel, ay magpapakilala kung ano ang dapat ibunga ng pagtatakwil sa kapamahalaan ng Diyos. Magpapatotoo ito na ang ikabubuti ng lahat na nilalang ng Diyos ay nasasalig sa pamamalagi ng pamahalaan at kautusan ng Diyos. Sa ganyan ay ang kasaysayan ng nakakikilabot na sinubukang paghihimagsik na ito’y magiging panghabang panahong makapipigil sa lahat ng banal upang huwag na silang malinlang pa tungkol sa likas ng pagsuway, upang iligtas sila sa paggawa ng kasalanan at sa pagpapahirap ng kaparusahan. PnL
Sa nalalapit na pagtatapos ng kontrobersya sa langit, ang dakilang mang-aagaw ay nagpapatuloy sa pagbibigay katuwiran sa kanyang sarili. Nang maihayag na si Satanas ay mapapalayas sampu ng kanyang kasamahan mula sa naabusong kaligayahan, siyang pinuno ng mga reblede ay hayagang nilapastangan ang kautusan ng Lumikha. Kanyang inulit ang kanyang paniniwala na hindi nangangailangan ng pagkontrol ang mga anghel, na hayaan silang sundin ang kanilang sariling kagustuhan, na gagabay sa kanila sa tama. Kanyang tinuligsa ang banal na kautusan bilang paghihigpit ng kanilang kalayaan at ipinahayag na ito ang kanyang layunin upang matiyak ang pag-aalis ng kautusan; na, napalaya mula sa paghihigpit na ito, ang mga anghel sa langit ay makapasok sa mas higit na mataas at maluwalhating estado ng kanilang pag-iral. PnL
Si Satanas at ang kanyang hukbo ay nagkaisang ilagay kay Cristo ang sisi sa kanilang paghihimagsik, na sinasabi nilang kung hindi sila sinaway ay hindi sana sila naghimagsik. Sa gayong pagmamatigas nila at paglaban dahil sa hindi nila pagtatapat, na walang kabuluhang nagsisikap na igupo ang pamahalaan ng Diyos, ngunit may kapusungang nag-aangkin na sila ay mga walang salang pinipighati ng mapagpahirap na kapangyarihan, sa wakas ang punong-manghihimagsik at ang mga nakipanig sa kanya ay pinaalis sa langit. PnL
Iyon din ang diwang naging dahilan ng himagsikan sa langit ang siyang naguudyok ng himagsikan sa lupa. Ipinagpapatuloy ni Satanas na ginagawa sa tao iyong pamamalakad na ginawa niya sa mga anghel. Ang kanyang diwa ay naghahari ngayon sa mga anak ng pagsuway. Kanilang sinisikap, gaya niya, na pawiin ang mga pagbabawal ng kautusan ng Diyos, at ipinangangako nila sa mga tao ang kalayaan sa pamamagitan ng pagsuway sa Kanyang mga utos. Ang pagsaway sa kasalanan hanggang ngayon ay nakagigising ng diwa ng pagkapoot at paglaban. Kapag ang mga pabalita ng babala ng Diyos ay tumatalab na sa konsensya ng mga tao, aakayin naman sila ni Satanas sa pagaaring ganap sa kanilang sarili at sa paghanap ng pagsang-ayon ng mga iba sa kanilang pagkakasala.— The Great Controversy, pp. 499, 500. PnL