Gaya mo, Ama, na nasa Akin at Ako'y sa iyo, sana sila'y manatili sa atin, upang ang sanlibutan ay sumampalataya na Ako'y sinugo Mo. Juan 17:21. PnL
Matapos bumaba ang Banal na Espiritu, ang mga alagad ay napuspos ng pag-ibig sa Kanya at para roon sa kinamatayan Niya, anupa’t ang mga puso ay napalambot ng kanilang pagsasalita at sa mga panalanging kanilang sinambit. Nangusap sila sa kapangyarihan ng Espiritu; at sa ilalim ng kapangyarihan nito’y libu-libo ang nahikayat. PnL
Bilang mga kinatawan ni Cristo ang mga alagad ay dapat gumawa ng tiyak na impresyon sa sanlibutan. Ang katunayang sila’y mga hamak na tao lang ay hindi makababawas ng kanilang impluwensya, kundi magdaragdag pa nito; sapagkat ang isipan ng makikinig ay dadalhin nila tungo sa Tagapagligtas na bagaman hindi nila nakikita, ay patuloy pa ring gumagawa na kasama nila. Ang kahanga-hangang turo ng mga apostol, ang kanilang mga salitang may tapang at pagtitiwala, ay magbibigay kasiguruhan sa lahat na hindi ang kanilang kapangyarihan ang gagawa, kundi ang kapangyarihan ni Cristo. Sa pagpapakababa sa sarili, ihahayag nilang ang ipinako sa krus ng mga Judio ay siyang Prinsipe ng buhay, ang Anak ng Diyos na buhay, at sa Kanyang pangalan ay ginawa nila ang mga gawang Kanyang ginampanan. PnL
Sa Kanyang pamamaalam na pakikipag-usap sa Kanyang mga alagad sa bisperas ng pagkapako, ang Tagapagligtas ay hindi bumanggit tungkol sa pagdurusang Kanyang mararanasan at naranasan na. Hindi Siya nagsalita tungkol sa kahihiyang Kanyang haharapin, kundi sinikap na dalhin sa kanilang mga isipan ang siyang magpapalakas ng kanilang pananampalataya, na mag-aakay sa kanila sa mga kagalakang naghihintay sa magtatagumpay. Nagdiwang Siya sa isipang makagagawa Siya ngayon nang higit sa Kanyang naipangako; na mula sa Kanya ay dadaloy ang pag-ibig at kahabagan, maglilinis ng templong katawan, at gagawing ang mga tao ay katulad Niya sa likas; na ang Kanyang katotohanan, may lakas ng Espiritu, ay hahayong nagtatagumpay at magtatagumpay. PnL
“Ang mga bagay na ito ay sinabi Ko sa inyo, upang sa Akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Sa sanlibutan ay nahaharap kayo sa pag-uusig. Ngunit lakasan ninyo ang inyong loob, dinaig Ko na ang sanlibutan.” (Juan 16:33.) Si Cristo ay hindi nabigo, o Siya’y nanlupaypay man; at ang mga alagad ay dapat maghayag ng isang pananampalatayang may katulad na likas ng pagtitiis. Sila’y gagawang tulad ng Kanyang paggawa, na umaasa sa Kanya sa kalakasan. Bagaman ang kanilang landas ay hahadlangan ng mga imposibilidad, gayunman ang Kanyang biyaya ang maghahatid sa kanila na magpatuloy, hindi nawawalan ng pag-asa kundi sa lahat ay puspos ng pag-asa.— The Acts Of The Apostles , pp. 22, 23. PnL