Kaya't yamang tinanggap natin ang isang kahariang hindi mayayanig, magkaroon tayo ng biyaya na sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayo sa Diyos ng kalugud-lugod na paglilingkod, na may paggalang at takot. Hebreo 12:28. PnL
Kapag tumigil si Jesus na makiusap para sa sangkatauhan, ang mga kaso ng lahat ay pinal ng napagpasyahan. Ito ang panahon ng pagbibilang ng Kanyang mga lingkod. Sa kanila na nagpabaya sa paghahanda ng kadaliyasan at kabanalan, na umaangkop sa kanila bilang mga naghihintay sa sasalubong sa Panginoon, ang araw ay magdidilim, at hindi na muling sisikat. Ang probasyon ay natapos na; ang pamamagitan ni Cristo sa langit ay natapos na. Ang panahon ay biglang dumating sa lahat, at sa mga nagpabaya upang linisin ang kanilang kaluluwa sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan ay natagpuang natutulog. Napagod sila sa paghihintay at paghahanda; naging malamig sila patungkol sa pagdating ng kanilang Panginoon. Hindi nila hinihintay ang Kanyang pagpapakita at kanilang naisip na hindi na kailangan ng patuloy na matiyagang paghahanda. Sila’y nabigo sa kanilang inaasahan at nangangambang baka maulit muli. Napagpasyahan nilang ang oras ay sapat para pumukaw. Tinitiyak nilang hindi sila mawawalan ng pagkakataong makakuha ng kayamanan sa lupa. At makasisigurado sila kung makukuha nila ang lahat ng makakaya nila. At sa pagtitiyak nila’y nawala ang lahat ng pagkabalisa at interes sa pagpapakita ng Panginoon. Sila’y naging malamig at walang pag-iingat na para bang ang Kanyang pagdating ay malayo pa. Ngunit habang ang kanilang interes ay nasa makamundong pakinabangan, ang gawain sa makalangit na santuwaryo ay natapos, at sila’y hindi handa. PnL
Kung kanila lang nalalaman na ang gawain ni Cristo sa makalangit na santuwaryo ay mabilis na natapos, gaano nga ba maiiba ang kanilang pamamahala sa kanilang sarili, gaano nga ba magiging taimtim ang kanilang paghahanda. Ang Panginoon, na inaasahan ang lahat ng ito, ay nagbigay sa kanila ng mga napapanahong babala upang maghanda. Malinaw Niyang sinabi ang kabiglaan ng Kanyang pagdating. Hindi Niya sinusukat ang panahon, na baka tayo’y magpabaya sa paghahanda, at sa ating pagpapagayon-gayon ay mag-isip ng oras ng Kanyang pagdating, at ipagpaliban ang paghahanda. “Kaya’t maging handa kayo, sapagkat hindi ninyo nalalaman.” Ngunit ang walang katiyakang inihula na ito, at ang kabiglaan, ay nabigong pukawin tayo sa ating kamangmangan sa masigasig na pagkagising, at pasiglahin ang ating paghahanda sa inaasahan nating Panginoon. Silang mga hindi natagpuang naghihintay at naghahanda ay magugulat sa kanilang kawalangkatapatan. Ang Panginoon ay darating na, at sa halip na maging handa sila at maging bukas sa Kanya, sila’y nakakulong sa makamundong pagkaidlip at sila’y nawala. PnL
Isang grupo ang ipinakita sa akin na kasalungat sa unang nabanggit. Sila’y naghihintay at naghahanda. Ang kanilang mga mata ay nakadirekta paitaas, at ang mga salita ng Kanilang Panginoon ay nasa kanilang mga labi: “At ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat: Maging handa kayo.”— Testimonies For The Church , vol. 2, pp. 191, 192. PnL