Naiwang nag-iisa si Jacob at nakipagbuno sa kanya ang isang lalaki hanggang sa magbukang-liwayway. Genesis 32:24. PnL
Kung paanong si Esau ay inudyukan ni Satanas na lumabas laban kay Jacob, gayundin kikilusin niya ang masasama upang ipahamak ang bayan ng Diyos sa panahon ng kabagabagan. At kung paanong pinaratangan niya si Jacob, gayon niya inihaharap ang kanyang mga paratang laban sa bayan ng Diyos. Ibinibilang niya ang sanlibutan na kanyang sakop; datapwat ang maliit na kalipunang nag-iingat ng mga utos ng Diyos ay lumalaban sa kanyang pananakop. Kung malilipol niya sila sa lupa, ang kanyang tagumpay ay magiging ganap. Nakikita niyang sila’y binabantayan ng mga banal na anghel, at dahil dito’y kinukuro niyang naipatawad na ang kanilang mga kasalanan; ngunit hindi niya naaalamang napasyahan na ang kanilang mga kabuhayan sa santuwaryo sa itaas. Mayroon siyang ganap na pagkaalam sa mga kasalanang iniudyok niyang kanilang gawin, at ang mga ito’y inihaharap niya sa Diyos sa isang labis na paraan na ipinakikilala niyang ang mga taong ito’y hindi nararapat tumanggap ng lingap ng Diyos na gaya niya. Ipinahahayag niyang ayon sa katuwiran ay hindi maipatatawad ng Diyos ang kanilang mga kasalanan, at ipahamak siya at ang kanyang mga anghel. Inaangkin niya silang kanyang huli, at hinihingi niyang sila’y ibigay sa kanyang mga kamay upang malipol niya. PnL
Sa pagpaparatang ni Satanas sa mga tao ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan, ay pinahihintulutan siya ng Panginoon na mahigpit silang subukin. Ang kanilang pagtitiwala sa Diyos, ang kanilang pananampalataya at katibayan, ay mahigpit na susubukin. Sa pagbubulay-bulay nila ng kanilang kabuhayan sa nakaraan, ay nangliliit ang kanilang pag-asa; sapagkat babahagyang kabutihan ang nakikita nila sa kanilang mga kabuhayan. Talastas nilang lubos ang kanilang kahinaan at pagkadikarapat-dapat. Sinisikap ni Satanas na sila’y takutin sa pamamagitan ng isipang sila’y wala nang pag-asa, at ang dungis ng kanilang karumihan ay hindi mahuhugasan kailanman. Umaasa siyang masisira niya ang kanilang pananampalataya, na anupa’t pahihinuhod sila sa kanyang mga tukso, at tatalikod sa kanilang pakikipanig sa Diyos. PnL
Bagaman ang bayan ng Diyos ay napapaligiran ng kaaway na sabik sa kanilang pagkawakasak, ngunit ang paghihirap na kanilang dinaranas ay hindi isang kakila-kilabot na pag-uusig dahil sa katotohanan; nangangamba silang ang bawat kasalanan ay hindi napagsisihan, at sa ilang mga pagkakamali ay mabigi silang matanto ang katuparan ng pangako ng Tagapagligtas: “Sapagkat tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa oras ng pagsubok na darating sa buong daigdig.” (Apocalipsis 3:10.) Kung sila’y . . . mapatunayang hindi karapat-dapat, at mawalan ng buhay dahil sa kanilang sariling PnL
mga depekto ng pagkatao, kung gayon ang banal na pangalan ng Diyos ay masisiraan. . . . PnL
Kahit na pagdusahan ang masidhing pagkabalisa, takot at kahirapan, ay hindi sila titigil sa pamamagitan. Panghahawakan nila ang lakas ng Diyos na gaya ng panghahawak ni Jacob sa Anghel; at ang wika ng kanilang kaluluwa ay: “Hindi kita bibitawan malibang ako ay mabasbasan mo.”— The Great Controversy, pp. 618-620. PnL