Humagulhol kayo, mga pastol, at sumigaw; at gumulong kayo sa abo, kayong mga panginoon ng kawan; sapagkat ang mga araw ng pagkatay sa inyo at pangangalat ninyo ay dumating na. Jeremias 25:34. PnL
Ang ministrong ipinagpalit katotohanan sa papuri ng mga tao ay nababatid ngayon ang likas at impluwensya ng kanyang mga turo. Maliwanag na ang mata Niyang marunong sa lahat ay sinubaybayan siya sa pagtayo niya sa pulpito, sa paglakad niya sa mga lansangan, at sa pakikisalamuha niya sa mga tao sa iba‘t ibang anyo ng buhay. Ang bawat damdamin ng kaluluwa, bawat kanyang isinulat, bawat salitang binigkas, bawat kilos na nakaakay sa mga taong magtiwala sa isang kublihan ng kasinungalingan, ay nakapaghasik ng binhi; at ngayon, sa aba’t waglit na mga kaluluwang nangasa palibot niya, mamsdan niya ang ani. . . . PnL
Makikita ng mga ministro at ng mga tao na hindi matuwid ang kanilang pakikiugnay sa Diyos. Makikita nilang naghimagsik sila sa May-likha ng lahat ng matuwid at banal na kautusan. Ang pagsasaisantabi nila ng mga banal na utos ay nagbangon ng libulibong bukal na kasamaan, kaguluhan, poot, katampalasanan, hanggang sa ang lupa ay maging isang malaking larangan ng labanan, at isang lupang tigmak ng kasamaan. Ito ang tanawing nahahayag ngayon sa mga nagsitanggi sa katotohanan at mas pinili ang kamalian. Walang wikang makapaglalarawan ng pananabik na nararamdaman ng mga suwail at taksil sa tuluyang nawala sa kanya—ang buhay na walang hanggan. Nakikita ng mga taong sinamba ng sanlibutan, dahil sa kanilang mga talento at mabuting pananalita ang mga bagay na ito sa kanilang tunay na kalagayan. Nababatid nila ang kanilang iwinala dahil sa pagsuway, at nangalugmok sila sa paanan nilang ang pagtatapat ay kanilang hinamak at pinagtawanan, at kanilang inaming sila’y iniibig ng Diyos. PnL
Nakita ng mga taong sila’y nadaya. Inakusahan nila ang isa’t isa ng pagdadala sa kanila sa pagkawasak; ngunit nagkakaisa ang lahat sa sa pagpapataw ng kanilang pinakamapait na pagkondena sa mga ministro. Ang mga lilong pastor ay naghayag ng magagandang bagay; pinangunahan nila ang kanilang mga tagapakinig sa pagwawalang-kabuluhan ng kautusan ng Diyos at pang-uusig ng mga magpapabanal nito. Ngayon, sa kanilang kawalan ng pag-asa, inaamin ng mga gurong ito sa buong mundo ang kanilang panlilinlang. Ang mga tao ay napuno ng galit. “Kami ay nawaglit!” ang kanilang tangis, “at kayo ang dahilan ng aming pagkawasak;” at sila’y bumaling sa mga huwad na pastol. Ang mismong mga dating pinakahumahanga sa kanila ang magpapahayag ng pinaka kakila-kilabot na sumpa sa kanila. Ang mga kamay na minsang nagputong ng laurel sa kanila ay itataas para sa kanilang pagkawasak. Ang mga tabak na dapat na papatay sa bayan ng Diyos ay gagamitin upang sirain ang kanilang mga kaaway. Saan mang dako ay may pag-aaway at pagdanak ng dugo.— The Great Controversy, pp. 654-656. PnL