Sapagkat kayo’y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin din ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo. Juan 13:15. LBD 141.1
Sa panahong ito, nasasaktan tayong makita ang mga bata at kabataang nag-aakala sa kanilang mga sarili na marami nang nalalaman upang mapailalim pa sa kontrol ng kanilang mga magulang. . . . Tila naiisip nilang katibayan ng kahinaan ang pagpapailalim sa awtoridad ng magulang, at sakripisyo ng kanilang nararapat na kalayaan. Ngunit sa halip na magkaroon ng kakayahang pamahalaan ang kanilang mga sarili, sila ay hindi matatag at mahina sa layunin. Marupok ang kanilang moral na kapangyarihan, at kakaunti lamang ang kanilang kapangyarihang espirituwal. Ang dahilan kung bakit ganito sila kahina at kadaling madala ng tukso, ay dahil hindi nila tinutularan ang buhay ni Cristo. . . . LBD 141.2
Sa halip na sundin ang mga yapak ng banal na Manunubos, puno sila ng pagmamataas at pagpapahalaga sa sarili. Pinag-aaralan nila ang pagkahilig, at sinusunod ang kanilang baluktot na pag-iisip.— The Youth’s Instructor, July 14, 1892. LBD 141.3
Sa isang sandali, ipinakita Niya [ni Cristo] ang pagkakaiba ng tama at mali, at inilagay ang kasalanan sa liwanag ng mga utos ng Diyos, na itinataas ang kautusan bilang salaming lumiliwanag sa kamalian. Itong matinding paghihiwalay ng tama at mali ang madalas na pumukaw ng galit ng mga kapatid ni Cristo. Ngunit naghayag ng ganitong mahinahon at maalab na pagmamahal sa kanila ang Kanyang mga pagsusumamo at mga pakiusap, at ang kalungkutan na ipinakita ng Kanyang mukha, na anupa’t nahiya sila sa pagtukso sa Kanya para lumihis sa kanyang istriktong pagpapahalaga sa katarungan at katapatan.— The Youth’s Instructor, September 8, 1898. LBD 141.4
Magkakaroon ang Diyos ng isang bayang masigasig sa mabuting gawa, na nakatayong matatag sa gitna ng mga karumihan ng masamang panahong ito. Magkakaroon ng isang bayang mahigpit na manghahawak sa banal na lakas na magiging patunay sila laban sa bawat tukso. Maaaring magsalita sa kanilang mga pandama at dungisan ang kanilang mga isipan ng masasamang komunikasyon sa mga nagniningas na babasahin; subalit lubhang konektado sila sa Diyos at mga anghel na magiging tulad sila ng mga di-nakakikita at di-nakaririnig. . . . Maaaring magkaroon ang mga kabataan ng mga prinsipyong matatag na anupa’t hindi sila maaakit ng pinakamalakas na mga tukso ni Satanas mula sa kanilang katapatan.— Testimonies for the Church, vol. 3, p. 472. LBD 141.5