Nang siya’y alipustain, hindi siya gumanti; nang siya’y magdusa, hindi siya nagbanta, kundi ipinagkatiwala ang kanyang sarili doon sa humahatol na may katarungan. 1 Pedro 2:23. LBD 142.1
Gaano kadalas nating nararamdamang tayo ay di-makatarungang nahatulan, na di-totoo ang mga bagay na sinabi tungkol sa atin, at na inilagay tayo sa maling liwanag sa harap ng iba. Kapag sinubukan tayo nang ganito, kailangan nating mahigpit na bantayan ang ating espiritu at ang ating mga salita. Kakailanganin nating magkaroon ng pag-ibig ni Cristo, upang hindi tayo magtaglay ng hindi nagpapatawad na espiritu. Huwag nating isipin na malibang ipahayag ng mga taong nanakit sa atin ang kanilang mga kamalian, tamang hindi natin sila patawarin. Huwag tayong mag-ipon ng mga sama ng loob, na iniingatan ito sa ating puso hanggang sa ang ating iniisip na nagkasala ay magpakumbaba sa kanyang puso sa pamamagitan ng pagsisisi at pag-amin. . . . Gaano man nilang sinaktan tayo nang malupit, huwag nating ipunin ang ating mga sama ng loob at maawa sa ating sarili dahil sa mga pinsala natin, ngunit gaya ng pag-asa nating mapatawad sa ating mga pagkakasala sa Diyos, patawarin din natin ang mga gumawa ng masama sa atin. . . . Kapag alipustain tayo, kay lakas ng tukso na mangalipusta rin, ngunit sa paggawa nito ipinakikita nating ang ating sarili na kasing-sama ng nang-alipusta. Kapag natutuksong manlait, magpailanglang ng isang tahimik na panalangin na bigyan kayo ng Diyos ng Kanyang biyaya, at panatilihing tahimik ang dila. . . . LBD 142.2
Nagbigay si Jesus sa atin ng halimbawa na dapat nating sundin ang Kanyang mga hakbang, at magpakita ng habag at pag-ibig at kabutihan sa lahat. Linangin natin ang isang mabait na espiritu, isang espiritu ng pagtitiis, at maunawain, mahabaging pagmamahal sa mga tao, na kung nakararanas ng tukso, ay gumawa ng mabigat na kamalian. Kung maaari, gamutin natin ang mga sugat na ito, at isara ang pinto ng tukso sa pamamagitan ng pag-alis ng bawat hadlang na itinayo ng gumawa ng masama sa pagitan niya at natin. . LBD 142.3
. . Nalulugod ang Panginoon na ibigay ang Kanyang mga pagpapala sa mga taong nagpaparangal sa Kanya, na kikilalanin ang Kanyang awa, at ipinakikitang pinahahalagahan nila ang Kanyang pag-ibig sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakita ng parehong mapagmahal na katangian sa mga nakapaligid sa kanila.— The Youth’s Instructor, June 1, 1893. LBD 142.4