Aking niyapakan ang pisaan ng alak na mag-isa, at mula sa mga bayan ay wala akong kasama. Isaias 63:3. LBD 143.1
Napakagandang suporta sana ang naranasan ni Cristo sa Kanyang mga kamag-anak sa lupa kung naniwala sila sa Kanya bilang isang mula sa langit, at nakipagtulungan sa Kanya sa paggawa ng gawain ng Diyos! Naglagay ang kawalan nila ng pananampalataya ng madilim na mga ulam sa buhay ni Jesus sa lupa. Bahagi ito ng kapaitan ng kopa ng kapighatian na Kanyang ininom para sa atin. . . . Dahil sa kanilang maikling panukat, hindi nila naunawaan ang misyong tutuparin dahil sa Kanyang pagdating, at dahil dito, hindi sila nakiramay sa Kanya sa Kanyang mga pagsubok. Ang kanilang mga magaspang at di-mapagpasalamat na mga salita ay nagpakitang tunay nilang di-naunawaan ang Kanyang karakter, at hindi napagtantong ang banal ay inihalo sa tao. Madalas nilang nakita Siyang puno ng kalungkutan; ngunit sa halip na aliwin Siya, lalong sinugatan ng kanilang espiritu at mga salita ang Kanyang puso. . . . LBD 143.2
Ginawang matinik ng mga bagay na ito ang Kanyang landas. Lubhang nasaktan si Cristo sa maling pag-unawa ng Kanyang sariling tahanan, na isang kaluwagan sa Kanya ang pumunta sa lugar na wala ito. Kadalasan ay makikita Siyang nag-iisa lamang, at nakikipag-usap sa Kanyang Ama na nasa langit. LBD 143.3
Iyong mga tinawag upang magdusa para sa kapakanan ni Cristo, na kailangang magtiis ng maling pagkaunawa at kawalan ng tiwala, kahit na sa kanilang sariling tahanan, ay maaaring magkaroon ng kaaliwan sa isipang nagtiis din si Jesus ng gayon. Nahahabag Siya sa kanila. Nag-aalok Siya sa kanilang makahanap ng pakikisama sa Kanya, at kaluwagan kung saan Niya ito natagpuan, sa pakikipag-usap sa Ama. Hindi naiwang mga ulila upang mag-isang pasanin ang mga pagsubok iyong mga tumanggap kay Cristo bilang kanilang personal na Tagapagligtas. Tinatanggap Niya sila bilang mga miyembro ng makalangit na sambahayan; inaanyayahan Niya silang tawagin ang Kanyang Ama na kanilang Ama. Kanyang “maliliit na mga anak” ang mga ito, minamahal sa puso ng Diyos, na nakagapos sa Kanya sa pinakamagiliw at matibay na ugnayan. Mayroon Siya lubhang kaawaan sa kanila, na hihigit pa sa damdamin ng ama o ina natin sa ating kawalan ng kakayahan kung paanong higit sa tao ang Diyos.— The Desire of Ages, pp. 325-327. LBD 143.4