Sa ikapitong pagkakataon, ay kanyang sinabi, Tingnan mo, may lumitaw na isang ulap mula sa dagat na kasinliit ng kamay ng isang lalaki. At kanyang sinabi, Humayo ka. Sabihin mo kay Ahab, Ihanda mo ang iyong karwahe, at ikaw ay lumusong baka mapigil ka ng ulan. 1 Hari 18:44. LBD 204.1
Mahalagang mga liksyon ang ipinakita sa atin sa karanasan ni Elias. Noong nasa bundok ng Carmel, naghandog siya ng panalangin para sa ulan, nasubukan ang kanyang pananampalataya, ngunit nagpatuloy siya sa pagsasabi ng kanyang kahilingan sa Diyos. Anim na beses siyang nanalangin ng taimtim, ngunit walang anumang hudyat na tinugon ang kanyang kahilingan, ngunit may malakas na pananampalataya niyang ipinilit ang kanyang kahilingan sa trono ng awa. Kung sumuko na siya sa pagkadesmaya sa ikaanim na beses, hindi sana masasagot ang kanyang panalangin. . . . Mayroon tayong Diyos na hindi sarado ang tainga sa ating mga kahilingan; at kung susubukin natin ang Kanyang salita, pararangalan Niya ang ating pananampalataya. Nais Niyang ihabi natin ang lahat ng ating mga kagustuhan sa Kanyang mga kagustuhan, at samakatuwid ay matiwasay Niya tayong pagpapalain; ngunit hindi natin kung gayon aangkinin ang karangalan sa sarili natin kapag napasaatin ang pagpapala, kundi ibibigay natin ang lahat ng papuri sa Diyos. Hindi palaging sinasagot ng Diyos ang mga panalangin sa unang pagkakataon na tumawag tayo sa Kanya; dahil kung gagawin Niya ito, maaaring bale-walain natin ito na may karapatan naman tayo sa lahat ng mga pagpapala at pabor na ibinigay Niya sa atin.— The Review and Herald, March 27, 1913. LBD 204.2
Nakamasid ang alipin habang nananalangin si Elias. . . . Sa kanyang pagsiyasat ng kanyang puso, tila kulang na kulang siya, sa parehong pagtantiya niya sa kanyang sarili at sa paningin ng Diyos. Para sa kanya, tila wala siyang halaga, at ang Diyos ang lahat-lahat. At nang dumating na siya sa punto ng pagtalikod sa sarili, samantalang kumakapit siya sa Tagapagligtas bilang tangi niyang lakas at katuwiran, dumating ang kasagutan.— The Review and Herald, May 26, 1891. LBD 204.3
Gaano man katapang at kamatagumpay ang isang tao sa paggawa ng espesyal na gawain, mawawalan pa rin siya ng lakas ng loob malibang patuloy siyang tumitingin sa Diyos kapag bumangon ang pagkakataon upang subukin ang kanyang pananampalataya. Kahit mabigyan na siya ng minarkahang sagisag ng Kanyang kapangyarihan, o mapalakas para gumawa sa gawain ng Diyos, mabibigo pa rin siya malibang magtiwala siya nang lubusan sa Makapangyarihan sa lahat.— The Review and Herald, October 16, 1913. LBD 204.4