Ngunit humingi siyang may pananampalataya na walang anumang pag-aalinlangan; sapagkat ang nag-aalinlangan ay katulad ng alon sa dagat na hinihipan at ipinapadpad ng hangin. Santiago 1:6. LBD 208.1
Walang matatag na karakter ang ilang mga tao. Para silang isang bola ng masilya na puwedeng hugisin sa kahit anong maiisip na hugis. . . LBD 208.2
Ang kahinaan, pag-aatubili, at kawalang kasanayang ito ay kailangang mapanagumpayan. Mayroong isang di-matatalong katangian sa tunay na Cristianong karakter na hindi mahuhubog o maipapailalim sa mga masamang pangyayari. Kailangang magkaroon ng moral na lakas ang mga tao, isang integridad na hindi mabobola, masusuhulan, o matatakot.— Patriarchs and Prophets, pp. 316, 317. LBD 208.3
Mayroon tayong isang malakas na kaaway. . . . Kapag ibinigay ng tao ang kanilang mga sarili para maging mga alipin ni Satanas, hindi niya ipinakikita ang galit sa kanila na katulad ng ginagawa niya sa mga nagdadala ng pangalan ni Cristo, at nagbibigay ng kanilang mga sarili sa paglilingkod sa Diyos. Nakamamatay ang kanyang pagkamuhi sa kanila. Alam niyang mapalulungkot niya si Jesus sa pagdadala sa kanila sa ilalim ng kapangyarihan ng kanyang mga pandaraya, sa pananakit sa kanila, at sa pagpapahina ng kanilang pananampa-lataya. . . . Papayagan ni Satanas na magkaroon ng isang antas na kapahingahan silang nakagapos na bilang mga alipin sa kanyang karwahe. Dahil sila ang kanyang mga pumapayag na bihag; subalit nagigising ang kanyang galit kapag umaabot ang mensahe ng awa sa kanyang mga nakagapos na bihag, at nagsikap silang magpumilit na alisin ang kanilang sarili papalayo mula sa kanyang kapangyarihan, upang kanilang masundan ang tunay na Pastol. . . . Nagsisimula ang labanan sa pagitan ng kaluluwa at ni satanas kapag nagsimula nang batakin ng bihag ang kadena, at mag-asam na makalaya. . . . LBD 208.4
Silang tunay na nagnanais na maturuan ng Diyos, at makalakad sa Kanyang daan, ay may siguradong pangako na kapag naramdaman nila ang kanilang kakulangan ng karunungan at humingi sila sa Diyos, malaya Siyang magkakaloob, at hindi manunumbat. Sinasabi ng apostol na, “Humingi siyang may pananampalataya na walang pag-aalinlangan.” . . . Maniwala; maniwalang gagawin ng Diyos ang Kanyang ipinangako. Panatilihing pumapaitaas ang inyong mga panalangin, at magbantay, gumawa, at maghintay. Lumaban ng magandang laban ng pananampalataya.— The Youth’s Instructor, May 10, 1894. LBD 208.5
Hangga’t naglalayag tayo sa agos ng sanlibutan, hindi natin kailangan ng tolda o ng sagwan. Kapag sumalunga tayo sa agos na ito, saka lang magsisimula ang ating mga paggawa.— Testimonies for the Church, vol. 6, p. 129. LBD 208.6