Mapalad ang taong hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni umuupo man sa upuan ng mga manunuya. Awit 1:1. LBD 209.1
Silang masasama ay hindi umiibig at sumusunod sa mga kautusan ng Diyos, ngunit sumasalangsang sa mga ito. Binabalaan kayong umiwas sa ganitong uri ng mga tagapayo,—ang uri na ginagamit ni Satanas upang ihatid ang mga kabataan sa pagkaligaw. Ang kanilang payo, mga suhestyon, ay may isang katangian na nagpapaliwanag sa kasalanan, at nanunuya ng katuwiran. . . . Kumakatawan sila bilang tumatayo sa daan ng mga makasalanan, palaging naghahatid sa kanila na lumabas sa tuwid na daan ng tungkulin at pagsunod sa mga utos ng Diyos tungo sa mga daan ng pagsuway. Kung hindi lamang dahil sa mga taong gumagawa ng mali at nanunukso sa iba na gumawa ng mali, marami na sanang mga makasalanan ang pumili sa daan ng tungkulin, ng dalisay na buhay at kabanalan.— The Youth’s Instructor, October 20, 1886. LBD 209.2
Ang pagkatakot sa panunuya ay naghahatid sa maraming mga kabataan na bumigay sa tukso at lumakad sa daan ng masasama.— The Adventist Home, p. 463. LBD 209.3
Hindi inilalagay ni Jesus ang Kanyang sarili sa panganib para malugod ang diyablo. Ngunit ilan ngayon ang makatatayo sa isang hamon?— Manuscript 17, 1893. LBD 209.4
Huwag hayaang mahikayat ang inyong mga sarili ng anumang mga panunuya, mga banta, at mga panunukso para lumabag sa inyong konsyensya sa pinakamaliit na bagay, at sa gayon ay magbukas ng isang pintuan kung saan makapapasok at makokontrol ni Satanas ang isipan. . . . LBD 209.5
Kailangan ninyong maging isang interesadong mag-aaral ng Biblia. . . . Isang siguradong gabay ang Kanyang Salita; kung maingat itong pag-aaralan, wala nang panganib sa pagbagsak sa kapangyarihan ng mga tuksong pumapalibot sa mga kabataan, at dumadagsa sa kanila. LBD 209.6
Maaaring kutyain kayo ng iba dahil sa pagiging napakaistrikto; maaari kayo nilang tawaging mapagmapuri; ngunit mag-ingat sa pagsisimula ng tama, at tahimik na magpatuloy. Ang kasaysayan ni Daniel, kung nasulat ang lahat, ay magbubukas ng mga kabanata at magpapakita sa inyo ng mga tuksong kinailangan niyang salubungin, mga panunuya, pagkainggit, at pagkagalit; ngunit . . . tumayo siyang mataas sa panunuya; at gayundin ang mangyayari sa bawat isang nananagumpay.— The Youth’s Instructor, August 25, 1886. LBD 209.7