Mapalad siya na nagbibigay-pansin sa dukha! Ililigtas siya ng Panginoon sa araw na masama. Awit 41:1. LBD 270.1
Mga lingkod tayo ng Diyos, na gumagawa sa Kanyang serbisyo. Hindi tayo dapat bumunot ng hibla ng pagkamakasarili sa mahusay na ganap na istraktura ng buhay; sapagkat masisira nito ang tularan. Ngunit gaanong kawalang pag-iisip ang mga tao! Gaano kabihira nilang itinutuon ang kanilang interes sa mga nagdurusa ng Diyos. Nasa paligid nila ang mga mahihirap, ngunit dinadaan-daanan nila ito, na walang pag-iisip at walang malasakit, kahit na mga biyuda at ulilang naiwan nang walang mga mapagkukunan at nagdurusa ngunit hindi sinasabi ang kanilang pangangai-langan. Kung maglalagay ng isang maliit na pondo sa bangko ang mayaman para sa pamumudmod sa mga nangangailangan, gaano karaming pagdurusa ang maiiwasan. Dapat pangunahan ng banal na pag-ibig ng Diyos ang bawat isa na makitang tungkulin niyang alagaan ang iba pang tao, at sa gayon ay panatilihing buhay ang espiritu ng kabutihan. . . . Pinarangalan Niya tayo sa paggawa sa atin bilang Kanyang katulong. Sa halip na magreklamo, magsaya tayong may pribilehiyo tayong maglingkod sa ilalim ng napakahusay at maawaing Guro.— The s.D.A. Bible Commentary, vol. 1, pp. 1118, 1119. LBD 270.2
Pakinggan ang sinasabi ni Isaias: “Dalhin sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? Kapag nakakita ka ng hubad, iyong bihisan. . . . Kung magkagayo’y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga.” Magiging tulad ng nadiligang hardin ang inyong mga kaluluwa, na nagkukulang ang mga tubig. . . . LBD 270.3
Naaalala ko ang naging kalagayan ng isang mahirap na tao, na nakatira malapit sa isang mayamang biyuda. . . . Inayos niya ang kanyang halamanan, at ang mga sanga at mga usbong ay pinutol na nasa tabi ng bakod. Humingi ng pabor sa kanya ang taong mahirap na ito na bigyan ng mga winalis na gagamitin para panggatong; ngunit tinanggihan niya siya, na sinasabing, “Gusto kong panatilihin ang mga ito; dahil ang mga abo ay magpapataba sa aking lupa.” Naiisip ko ang nangyari sa tuwing dadaan ako sa bahay ng babaeng iyon. Pinataba ang lupa at kinalimutan ang mahirap!— The Review and Herald, December 23, 1884. LBD 270.4
Kapag may pagkabigong pahalagahan ang mga pangangailangan ng sangkatauhan, ang hindi pagpayag na maging katulong ng Diyos, ang pinakamagastos na mga handog, ang pinakadakilang pagpapakita ng kalayaan, ay kasuklam-suklam sa Kanyang paningin.— Letter 8, 1901. LBD 270.5
Tanging sa buhay ng paglilingkod lamang matatagpuan ang tunay na kaligayahan.— The Review and Herald, May 2, 1907. LBD 270.6