At sinabi Niya sa kanila, Humayo kayo sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha.Marcos 16:15. LBD 271.1
Ibinigay ng Panginoon sa mga kabataan ang mga kakayahan at talento na dapat nilang gamitin sa gawain ng Diyos. Hiniling ko sa inyo, mahal kong mga kabataan, ibibigay ba ninyo ang inyong sarili sa Panginoon? Handa ba kayong makisali sa gawaing iniwan niya para gawin ninyo? Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad, “Humayo kayo sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha.” Sa harap ng utos na ito, ilalaan ba ninyo ang inyong oras at mga lakas sa anumang maaaring idikta ng inklinasyon, sa halip na sundin ang payo ng Diyos? . . . LBD 271.2
May mga kaluluwang ililigtas. Ngunit sa pag-aaksaya ng inyong talento ng impluwensya, hindi kayo maaaring maging mga manggagawa kasama ng Diyos, na gumagawa para sa kaligtasan ng iba. Nais ng Diyos na nararapat ninyong idirekta ang bawat tala ng impluwensyang mayroon kayo. Tinatawagan Niya kayong mga binigyan Niya ng dakilang liwanag upang makipagtulungan sa mga makalangit na intelihensya. Ang mga may dakilang liwanag at mahalagang kakayahan ay magkakaroon ng isang malaking parang kung saan maaaring magsabi ang kanilang impluwensya sa buhay na walang-hanggan; ngunit kung ang mga mayamang pinagkalooban ng langit, ay pinagkait ang kanilang mga kaloob mula sa paglilingkod sa Diyos, at maling ginamit ang mga ito sa paglilingkod sa sarili at sa buong mundo, parurusahan sila ayon sa liwanag na patuloy nilang tinaggihan. Ginawa ng Diyos ang mga kabataan na maging mga depositante ng katotohanan na kailangang ibahagi sa mundo. . . LBD 271.3
. Nanawagan si Cristo sa mga buong-puso, taimtim na mga lingkod, na hindi mapaiikot mula sa kanilang posisyon ng tungkulin ng mga pang-akit o oposisyon—mga hindi mabibigo o mapanghihinaan ng loob. Ibibigay ba ninyo sa Kanya ang inyong mga pangalan? Kasama ba kayo sa mga magiging tagapagdala ng liwanag? Ibibigay ba ninyo ang inyong sarili sa Kanya upang gumawa bilang Kanyang mga ahente upang patigilin ang mga hakbang ng maraming pupunta sa daan tungo sa pagkawasak?— The Youth’s Instructor, November 17, 1892. LBD 271.4
Dapat lumawak ang gawain mula sa bawat lunsod, sa bawat bayan, at sa bawat bansa, na patuloy na gumagalaw pasulong at paitaas, itinatag, pinalakas, at inayos.— The General Conference Bulletin, July 1, 1900. LBD 271.5