Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay, ang laman ay walang anumang pakinabang. Ang mga salitang sinabi Ko sa inyo ay espiritu at buhay. Juan 6:63. LBD 31.1
Tanging ang Banal na Espiritu lamang ang makapagbibigay buhay sa mga kakayahan.— Letter 49, 1896. LBD 31.2
Tanging sa kanila lamang na matapat na naghihintay sa Diyos, na nagbabantay para sa Kanyang gabay at biyaya, ibinibigay ang Espiritu. Ang pinangakong biyayang ito, na inangkin sa pamamagitan ng pananampalataya, ang nagdadala ng iba pang mga biyaya kasunod nito. Ibinibigay ito sangayon sa kayamanan ng biyaya ni Cristo, at nakahanda Siyang magbigay sa bawat kaluluwa sang-ayon sa kakayahang tumanggap. LBD 31.3
Pagbibigay ng buhay ni Cristo ang pagbibigay ng Espiritu. Sila lamang na naturuan ng ganito ng Diyos, sila lamang na nagtataglay ng paggawa ng Espiritu sa kalooban nila, at nahahayag sa kanilang buhay ng buhay ni Cristo, ang siyang makatatayo bilang mga tunay na kinatawan ng Tagapagligtas. LBD 31.4
Tinatanggap ng Diyos ang mga tao sinuman sila, at tinuturuan sila para sa paglilingkod sa Kanya, kung isusuko nila ang kanilang sarili sa Kanya. Bumubuhay sa lahat ng kakayahan nito ang Espiritu ng Diyos na tinanggap sa kaluluwa. Sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu, ang pag-iisip na nakalaan nang buong-buo sa Diyos, ay lumalago nang maayos, napalalakas upang maunawaan at magampanan ang mga hinihingi ng Diyos. Mababago ang mahina at nag-aalinlangang karakter patungo sa kalakasan at katapatan. Bumubuo ang patuloy na pagtatalaga ng malapit na relasyon sa pagitan ni Jesus at ng Kanyang mga alagad upang maging kagaya ng Kanyang Panginoon ang Cristiano sa karakter. Nagkakaroon siya ng mga mas malinaw at malawak na pananaw. Mas malalim ang kanyang pang-intindi, nagkakaroon ng higit na balanse ang kanyang paghatol. Napalakas siya ng nagbibigay buhay na kapangyarihan ng Araw ng Katuwiran na anupa’t nagbubunga siya nang marami sa ikaluluwalhati ng Diyos.— Gospel Workers, pp. 285, 286. LBD 31.5
Magiging iisang puso at iisang pag-iisip ang mga mananampalataya, at gagawing makapangyarihan ng Panginoon ang Kanyang Salita sa sanlibutan. Mapapasok ang mga bagong lunsod at mga bayan at mga purok; babangon at magliliwanag ang iglesia, dahil dumating na ang kanyang liwanag, dahil bumangon sa kanya ang kaluwalhatian ng Panginoon. . . . Kapag nananahan ang Banal na Espiritu sa atin, . . . dadakilain natin si Jesus.— The Review and Herald Extra, December 23, 1890. LBD 31.6