Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Apocalipsis 2:29. LBD 32.1
Higit pa sa kayang maunawaan ng tao kung paano siya maaaring maging kagaya ni Jesu-Cristo. Ngunit magagawang palakasin ng Banal na Espiritu ang ating mga espirituwal na paningin, na binibigyan tayo ng kakayahan upang madama iyong hindi matatanaw ng ating mga natural na mga mata, o hindi maaaring mapakinggan ng ating mga tainga, o hindi mauunawaan ng ating mga pag-iisip. Sa pamamagitan ng Espiritu na nagsasaliksik sa lahat ng mga bagay, maging sa mga malalalim na bagay ng Diyos, nahayag ang mga mahahalagang katotohanang hindi mailalarawan ng panulat o ng tinig.— Letter 49, 1896. LBD 32.2
Sa lahat na magsusuko ng kanilang sarili sa Banal na Espiritu maitatanim ang isang bagong prinsipyo ng buhay. Mapanunumbalik ang nawalang larawan ng Diyos sa katauhan. LBD 32.3
Ngunit hindi magagawang baguhin ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang kalooban. Wala siyang taglay na kapangyarihan na makagagawa ng ganitong pagbabago. Ang lebadura—na nagmumula sa labas—ay kailangang mailagay sa pagkain bago maganap ang ginugustong pagbabago dito. Gayundin kailangang tanggapin ng makasalanan ang biyaya ng Diyos bago siya maihanda para sa kaharian ng kaluwalhatian. Mabibigo ang lahat ng kultura at edukasyong maibibigay ng sanlibutan na gawing anak ng kalangitan ang isang anak na pinasama ng kasalanan. Kailangang magmula sa Diyos ang kalakasang makapagbabago. Banal na Espiritu lamang ang magagawa ng pagbabago. Ang lahat ng maliligtas, mababa at mataas, mahirap at mayaman, ay kailangang sumuko sa paggawa ng kapangyarihang ito.— Christ’s Object Lessons, pp. 96, 97. LBD 32.4
Maghahayag ng paggawa ng Espiritu ng Diyos ang bawat pusong dinalaw ng maliwanag na mga sinag ng Araw ng Katuwiran sa tinig, pag-iisip, at karakter. Kikilos ang makinarya na parang ito ay nalangisan at ginagabayan ng isang makapangyarihang kamay. Magkakaroon ng mas kakaunting salungatan kapag tumanggap ng langis ang espiritu ng manggagawa mula sa dalawang tangkay ng olibo. Mabibigay sa iba ang banal na impluwensya sa mga pananalita ng kabutihan, pagkamagiliw, pag-ibig, at pagpapalakas ng kalooban.— Testimonies for the Church, vol. 7, pp. 195, 196. LBD 32.5