Dapat tayong mamuhay nang may katinuan, matuwid at banal sa kasalukuyang panahon, habang hinihintay natin ang mapalad na pag-asa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Tito 2:12, 13. LBD 345.1
O, nawa ay malalim na makintalan ang ating mga puso ng kahalagahan ng pamumuhay ng isang banal na buhay, upang mapansin ng sanlibutan na mga kasama tayo ni Jesus, at natuto sa Kanya (Gawa 4:13; Mateo 11:29). Hindi nakadepende sa napakagagaling na talento ang kabuluhan ng Cristiano, marangal na kapanganakan, magagandang kakayahan, kundi sa isang malinis na puso—isang pusong dahil nadalisay at napino, ay ipinakikita ang larawan ng Diyos. Ang presensya Niyang nagbigay ng Kanyang buhay para sa atin ang nagpapaganda sa kaluluwa. . . . Ang mga taong nananalangin ang siyang mga taong may kapangyarihan. . . . LBD 345.2
Huwag ninyong hayaan ang mga walang-kuwentang bagay na ubusin ang inyong panahon at atensyon. Panatilihin ang inyong isipan sa mga maluwalhating tema ng Salita ng Diyos. Magbibigay sa inyo ang pag-aaral ng mga temang ito ng lakas na maglalampas sa inyo sa mga pagsubok at kahirapan ng mga huling araw, at maghahatid sa inyo sa lugar na lalakaran ninyo nang nakaputing damit kasama ni Cristo, dahil kayo ay karapat-dapat. Sa Salita ng Diyos, na pinag-aaralan at sinusunod, ay taglay natin ang isang espirituwal na gabay at tagapagturo na sa pamamagitan nito ang pinakamalalalang anyo ng kasamaan sa ating sarili ay maipapasailalim ng disiplina ng Kanyang kautusan. Kung ang mga katuruan ng Salitang ito ay gawing kumukontrol na impluwensya sa ating buhay, kung napailalim sa pumipigil na kapangyarihan nito ang puso at isipan, hindi magkakaroon ng puwang ang mga kasamaang nasa mga iglesia at pamilya ngayon. Sa mga kombertidong sambahayan ang mga pinakadalisay na pagpapala ay bababa, at mula sa mga sambahayang ito ay lalabas ang isang impluwensyang gagawing kapangyarihan ang bayan ng Diyos sa panig ng katotohanan. . . . LBD 345.3
Ngayon na ang panahon para magbantay at manalangin, para alisin ang lahat ng pagpapalayaw sa sarili, pagmamalaki, at pagkamakasarili. Ang mahahalagang sandali, na mas masahol pa ngayon sa basta sinasayang lamang ng maraming tao, ay dapat gugulin sa pagbubulay-bulay at pana langin. . . . LBD 345.4
Sa araw ng pagkorona kay Cristo, hindi Niya kikilalanin na Kanya ang sinumang may taglay na batik, o kulubot, o anumang gayong bagay (tingnan ang Efeso 5:27). Pero magbibigay Siya ng mga koronang walang maliw ang kaluwalhatian sa mga tapat Niyang anak.— The Review and Herald, November 24, 1904. LBD 345.5