Ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na, kaya kayo’y magpakatino at magpigil sa sarili alang-alang sa inyong mga panalangin. 1 Pedro 4:7. LBD 344.1
Ang babala sa Israel ng panahong ito ay, “Ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na, kaya kayo’y magpakatino at magpigil sa sarili alang-alang sa inyong mga panalangin.” “Gayundin naman, himukin mo ang mga kabataang lalaki na maging matino sa pag-iisip. Sa lahat ng mga bagay ay ipakita mo ang iyong sarili na isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong pagtuturo ay magpakita ka ng katapatan, pagiging kagalang-galang, wastong pananalita na hindi mapipintasan, upang ang kalaban ay mapahiya, na walang anumang masamang masasabi tungkol sa atin. Ang mga alipin ay magpasakop sa kanilang mga amo at magbigay ng kasiyahan sa lahat ng mga bagay, at huwag maging palasagot, ni huwag mangungupit, kundi magpakita ng lubos at tunay na katapatan, upang sa lahat ng bagay ay mapalamutian nila ang aral ng Diyos na ating Tagapagligtas” (Tito 2:6-10). Labanan ninyo ang kaaway; huwag kayong maakit ng kanyang mga nambobolang pangganyak at presentasyon. Gawain ng instrumentong tao ang maging matibay, hindi sa sarili niyang may-hangganang kalakasan, kundi sa kalakasan ng Panginoon, sa kapangyarihan ng Kanyang lakas. . . . LBD 344.2
Sinabi na ni Cristo, “Kung wala Ako ay wala rin kayong magagawa” (Juan 15:5). Ang mga pagpapasyang ginagawa mo sa sarili mong may-hangganang kalakasan, ay magiging gaya lamang ng mga lubid na buhangin; subalit kung mananalangin ka nang may katapatan, na isinusuko ang iyong sarili, kaluluwa, katawan, at espiritu sa Diyos, isinusuot mo ang buong baluti ng Diyos, at binubuksan mo ang kaluluwa sa katuwiran ni Cristo; at ito lamang—ang ibinilang na katuwiran ni Cristo—ang tutulong sa iyong makatayo laban sa mga pandaraya ng diyablo. LBD 344.3
Ang labanan ang kaaway sa kapangyarihan at kalakasan ng Panginoong Jesu-Cristo ang gawain ng bawat kaluluwa, at ang pangako ay, lalayo sa atin ang diyablo (Santiago 4:7). Pero makita sana ng lahat na nanganganib sila, at walang katiyakan ng kaligtasan malibang sumunod sila sa mga kondisyon ng talata. Ang sabi ng Panginoon, “Lumapit kayo sa Diyos” (talatang 8). Paano?— sa pamamagitan ng lihim at tapat na pagsusuri ng sarili mong puso; sa pamamagitan ng parang bata, taos-puso, at mapagpakumbabang pagsandig sa Diyos, na ipinaaalam kay Jesus ang pagiging mahina mo; at sa pamamagitan ng pagpapahayag ng iyong mga kasalanan. Sa gayon ay maaari kayong lumapit sa Diyos, at lalapit Siya sa inyo.— The Youth’s Instructor, February 8, 1894. LBD 344.4