Mapapalad ang mga inaanyayahan sa hapunan ng kasalan ng Kordero. Apocalipsis 19:9. LBD 354.1
Gumagawa ng eksperimento ang Panginoong Jesus sa mga puso ng tao sa pamamagitan ng pagtatanghal ng Kanyang kaawaan at masaganang biyaya. Nagsasagawa Siya ng mga pagbabagong lubhang kamangha-mangha anupa’t si Satanas, pati na ang lahat niyang nagdiriwang na pagmamayabang, ang buo niyang sabwatan ng kasamaan na nagsanib-sanib laban sa Diyos at sa mga batas ng Kanyang pamahalaan, ay nakatayong pinagmamasdan silang gaya ng isang muog na hindi magagapi ng kanyang mga pandaraya at panlilinlang. Isang di-maunawaang hiwaga sila sa kanya. Ang mga anghel ng Diyos, ang mga serafin at kerubin, mga puwersang inatasan upang makipagtulungan sa mga ahensyang tao, ay nagmamasid nang may pagtataka at kagalakan, na ang mga nagkasalang tao, na dating mga anak ng kagalitan, ay nagkakaroon ng mga ugaling kaayon ng banal na wangis sa pamamagitan ng pagsasanay ni Cristo, para maging mga anak na lalaki at babae ng Diyos, para gumampan ng mahalagang bahagi sa mga tungkulin at mga kaligayahan sa langit. LBD 354.2
Nagbigay si Cristo sa Kanyang iglesia ng maraming pasilidad, upang makatanggap Siya ng malaking kinitang kaluwalhatian mula sa mga tinubos Niya at binayarang pag-aari. Ang iglesia, palibhasa ay pinagkalooban ng katuwiran ni Cristo, ay siyang Kanyang bodega, kung saan ang kayamanan ng Kanyang awa, ng Kanyang pag-ibig, ng Kanyang biyaya, ay makikita sa ganap at panghuling pagtatanghal. Ang pahayag sa Kanyang panalangin ng pamamagitan, na nawa ay maging dakila ang pag-ibig ng Ama sa atin na gaya rin naman sa Kanya, na kaisa-isang Anak, at makapiling natin nawa Siya kung nasaan Siya, magpakailan mang kaisa ni Cristo at ng Ama, ay nakamamangha sa hukbo ng kalangitan, at ito ang malaki nilang kagalakan. Ang regalo ng Kanyang Banal na Espiritu, na mariwasa, punung-puno, at masagana, ay magiging parang nakapalibot na pader ng apoy sa Kanyang iglesia, na hindi kayang gapiin ng mga puwersa ng impiyerno. Sa walang-bahid nilang kalinisan at walang-dungis na kasakdalan, pinagmasdan ni Cristo ang Kanyang bayan bilang gantimpala sa lahat Niyang pagdurusa, kahihiyan, at pagmamahal, at kapunuan ng Kanyang kaluwalhatian—ni Cristo, na siyang dakilang sentro na pinagmumulan ng lahat ng kaluwalhatian. “Mapapalad ang mga inaanyayahan sa hapunan ng kasalan ng Kordero” (Apocalipsis 19:9).— Testimonies to Ministers and Gospel Workers, pp. 18, 19. LBD 354.3