Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagpapanauli ng kaluluwa. Awit 19:7. LBD 37.1
Mas matalino, mas mabuti, at mas makatao ang mga batas na ibinigay ng Diyos sa Kanyang sinaunang bayan kaysa roon sa mga batas ng pinakasibilisadong mga bansa sa lupa. Nagtataglay ang mga batas ng mga bansa ng mga tanda ng kahinaan at mga damdamin ng pusong hindi nabago; ngunit nagtataglay ang batas ng Diyos ng tanda ng kabanalan.— Patriarchs and Prophets, p. 465. LBD 37.2
Sinasabi ng Mang-aawit na, “Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal.” Napakabuti sa kapayakan nito, sa saklaw at kasakdalan, ang batas ni Jehovah! Napakaigsi nito na maaari nating ilagay sa alaala ang bawat utos, ngunit napakalayo ng naaabot na maihahayag ang buong kalooban ng Diyos, at maisama hindi lamang ang panlabas na pagkilos kundi maging ang mga pag-iisip at layunin, mga nasain at damdamin, ng puso. Hindi ito magagawa ng mga batas ng tao. Maaari lamang silang magdikta sa panlabas na gawain. Maaaring maging manlalabag ang isang tao, ngunit ikinubli ang kanyang mga maling gawain mula sa mga mata ng tao. Maaari siyang maging kriminal— isang magnanakaw, mamamatay tao, o mangangalunya—ngunit habang hindi siya natutuklasan, hindi siya maaaring tawaging may sala ng batas. . . . LBD 37.3
Simple ang batas ng Diyos, at madaling maunawaan. Kung ang mga anak ng tao, sa pinakamabuti nilang makakaya, ay susunod sa utos na ito, magkakaroon sila ng kalakasan ng pag-iisip at kapangyarihan ng pagkilala upang lalo pang maunawaan ang mga layunin at panukala ng Diyos. At magpapatuloy ang pagsulong na ito, hindi lamang sa pangkasalukuyang buhay, ngunit hanggang sa walang-hanggan; dahil gaano man siya sumulong sa pagkakilala sa kaalaman at kapangyarihan ng Diyos, laging mayroong walang-hanggan sa kabila nito.— The Signs of the Times, January 10, 1911. LBD 37.4
Dahil “ang kautusan ng Panginoon ay sakdal,” kasamaan ang bawat pagliko mula rito.— The Desire of Ages, p. 308. LBD 37.5
Pagsunod ang tanging kondisyon upang tanggapin ng sinaunang Israel ang katuparan ng mga pangakong gumawa sa kanilang bayan na kinalulugdan ng Diyos; at ang pagsunod sa kautusan na iyon ang magdadala ng kasing dakilang mga biyaya sa mga tao at mga bansa sa kasalukuyan gaya ng naibigay nito sa mga Hebreo.— The Signs of the Times, January 10, 1911. LBD 37.6