Kaya’t ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti. Roma 7:12. LBD 38.1
Bilang Pinakamataas na Tagapanguna sa sansinukob, gumawa ang Diyos ng mga batas para sa pamamahala hindi lamang ng lahat ng mga nabubuhay na nilalang, kundi para sa lahat ng pamamalakad sa kalikasan. Nasa ilalim ang lahat, malaki o maliit, nabubuhay o hindi, ng mga kautusang tiyak at hindi mababale-wala. Walang hindi kasama sa panuntunang ito; dahil walang bagay na ginawa ng kamay ng Diyos ang nakalimutan ng pag-iisip ng Diyos. . . . Tanging sa tao, ang pinakamataas sa Kanyang mga nilalang, nagbigay ang Diyos ng konsiyensya upang makilala ang mga sakdal na pangangailangan ng banal na kautusan, at ng isang puso na may kakayanang ibigin ito bilang banal, matuwid, at mabuti; at sa tao ay inaasahan ang agad at sakdal na pagsunod.— The Signs of the Times, April 15, 1886. LBD 38.2
Nagbabawal ang panuntunang ito sa lahat ng paniniil mula sa mga magulang at lahat ng kalapastanganan mula sa mga anak. Puno ang Panginoon ng lahat ng pagmamahal, kaawaan, at katotohanan. Banal, matuwid, at mabuti ang Kanyang kautusan, at dapat sundin ng mga magulang at mga anak. Ang dapat na namamahalang mga panuntunan sa mga buhay ng magulang at anak ay nagmumula sa pusong may walang-hanggang pag-ibig, at mananatili ang mayamang pagpapala ng Diyos sa mga magulang na magsasakatuparan ng Kanyang mga batas sa kanilang tahanan, at sa mga anak na sumusunod sa batas na ito. Mararamdaman ang pinaghalong kapangyarihan ng kaawaan at katarungan. “Magsasalubong ang tapat na pag-ibig at katapatan, ang katuwiran at kapayapaan ay maghahalikan.” Lalakad ang mga sambahayang nasa ilalim ng disiplinang ito sa daan ng Panginoon, upang gumawa ng katarungan at kahatulan.— The Adventist Home, pp. 310, 311. LBD 38.3
Hayaang tumingin ang mga kabataan sa banal na pamantayan, at hindi matuwa sa mababang layunin. . . . Huwag kayong lumakad na may pag-aalinlangan, kundi maging matibay sa kalakasan ng biyaya ni Jesu-Cristo. Naibigay sa Kanya ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Pumasok kayo sa kanlungan ni Jesu-Cristo at sa matibay na pakikipagtipan sa Kanya sa pananampalataya, upang ibigin at paglingkuran Siya.— The Youth’s Instructor, July 5, 1894. LBD 38.4
Dahil ang batas ng Diyos ay “banal, at matuwid, at mabuti,” sipi ng banal na kasakdalan, kung magkagayon ang karakter na binuo sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusang iyon ay magiging banal. Sakdal na halimbawa si Cristo ng ganitong karakter.— The Great Controversy, p. 469. LBD 38.5