Ang katuwiran Mo ay walang-hanggang katuwiran, at ang kautusan Mo’y katotohanan. Awit 119:142. LBD 39.1
Nagpadala ang Diyos ng katotohanan sa ating sanlibutan na may hindi nadudumhang kaluwalhatian, kagandahan, at kasakdalan, at inilagay ito na taliwas sa kamalian. Walang nakitang kamalian sa karakter ni Cristo maging ang mga tao o ang mga demonyo; kundi ang paghahayag ng tunay na Liwanag na nagniningning sa bawat tao na dumarating sa sanlibutan, na ginawa namang kataliwas ng kadiliman, upang huwag tumanggap ang mga tao sa kaliwanagan. . . . Walang likas na pagaalitan sa pagitan ng mga masasamang anghel at masasamang tao; kapwa sila masama gawa ng pagsalangsang sa kautusan ng Diyos, at palaging taliwas ang kasamaan sa Diyos. Papasok ang mga nagkasalang tao at mga nagkasalang anghel sa walang pag-asang pagsasamahan. . . . LBD 39.2
Gumising ang kadalisayan at kabanalan ng karakter ni Cristo sa pinakamasasamang damdamin ng puso ng tao. . . . Patuloy na pagsaway ang Kanyang sakdal na pagsunod sa mga utos ng Diyos sa isang makamundo at masamang lahi. Ang Kanyang karakter na walang dungis ay nagbibigay ng liwanag sa gitna ng kadilimang moral ng sanlibutan . . . . LBD 39.3
Hindi makaiiwas silang nagiging mga anak ng Diyos sa pagkikipaglaban sa hukbo ng makasalanan. . . . Sa pamamagitan ng mga kabutihan ng Manunubos, tinatanggap ng Diyos ang mga pagsisikap ng makasalanang tao sa pag-iingat sa Kanyang kautusan, na banal, matuwid, at mabuti. LBD 39.4
Ang mga tunay na nakikiisa kay Cristo ay matatagpuang gumagawa ng gayunding gawain na ginampanan ni Cristo habang nasa lupa Siya— matatagpuan silang nagpapalawak at nagpaaprangal sa kautusan. . . . Kapag magpapahayag ng kabutihan ang mga tagasunod sa kahusayan ng katotohanan sa kanilang mga buhay at karakter, nagsisilbi itong dagok laban sa kaharian ni Satanas.— The Youth’s Instructor, October 11, 1894. LBD 39.5
Katuwiran at katotohanan ang karakter ng Diyos. Ganito ang likas ng Kanyang kautusan. Sinasabi ng Mang-aawit, “Ang kautusan Mo’y katotohanan;” “Ang lahat ng mga utos Mo ay matuwid.” . . . Ang ganitong kautusan, na kapahayagan ng pag-iisip at kalooban ng Diyos, ay dapat maging kasing tibay ng May Akda nito.— The Great Controversy, p. 467. LBD 39.6