Mapalad ang taong nagtitiis ng pagsubok, sapagkat kapag siya ay subok na, siya’y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng PANGINOON sa mga nagmamahal sa Kanya. Santiago 1:12. LBD 360.1
Kapag binuo na ng Panginoon ang Kanyang mga hiyas, ang mga totoo, ang mga diretsahan, ang mga tapat, ay pawang pagmamasdan nang may kaluguran. Ginagamit ang mga anghel sa pagyari ng mga korona para sa mga ganyan, at makikita nang may karilagan ang liwanag na nagmumula sa trono ng Diyos sa mga koronang ito na may mga bituing hiyas.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 96. LBD 360.2
Magsalita kayo ng tungkol sa mga makalangit na bagay. Magsalita kayo ng tungkol kay Jesus, tungkol sa Kanyang kagandahan at kaluwalhatian, at sa walang-maliw Niyang pag-ibig para sa inyo, at hayaang umapaw ang puso ninyo sa pagmamahal at pagpapasalamat sa Kanya na namatay para iligtas kayo. O, maghanda kayong salubungin ang iyong Panginoon sa kapayapaan. Ang mga handa ay tatanggap din agad ng di-kumukupas na korona ng buhay, at titira magpakailan man sa kaharian ng Diyos, kasama ni Cristo, kasama ng mga anghel, at ng mga tinubos ng mahalagang dugo ni Cristo.—The Youth’s Instructor, December 1, 1852. LBD 360.3
Ang mga naghihintay ang puputungan ng kaluwalhatian, karangalan, at kawalang-kamatayan. Hindi mo kailangang magsalita . . . tungkol sa mga karangalan ng sanlibutan, o sa kapurihan ng mga dakila rito. Lahat ng iyan ay pawang walang kabuluhan. Hayaan ninyong hipuin ang mga iyan ng daliri lamang ng Diyos, at agad iyang babalik muli sa alabok. Gusto ko ng karangalang tumatagal, karangalang walang-paglipas, karangalang hindi mawawala; isang koronang mas elegante pa kaysa alinmang koronang nagpalamuti sa ulo ng isang hari.— The Review and Herald, August 17, 1869. LBD 360.4
Magliliwanag sa araw na iyon ang mga tinubos sa kaluwalhatian ng Ama at ng Kanyang Anak. Ang mga anghel sa langit, na kinakalabit ang mga ginintuan nilang alpa, ay sasalubong sa Hari, at sa mga tropeo ng Kanyang tagumpay—iyong mga hinugasan at pinaputi sa dugo ng Kordero. Isang awit ng pagtatagumpay ang dadagundong, pupunuin ang buong kalangitan. Nagtagumpay si Cristo. Pumasok Siya sa mga bulwagan ng langit kasama ng Kanyang mga tinubos, ang mga saksi na ang Kanyang misyon ng pagdurusa at pagsasakripisyo ng sarili.— The Review and Herald, November 24, 1904. LBD 360.5