Utusan Mo, O Diyos, ang Iyong kalakasan, ipakita Mong malakas ang Iyong sarili, O Diyos, tulad ng ginawa Mo para sa amin. Awit 68:28. LBD 42.1
Hindi lamang para sa bansang Israel ang Kanyang mga kautusan. Naibigay ang batas na moral bago pa tawaging mga Judio ang bayan. Dapat sundin ng lahat ang batas ng sampung utos. Binuo ang mga ordinansa sa paghahandog upang isalarawan ang isang dakilang Handog, ang Kordero ng Diyos, na mag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, at gagampanan para sa nagkasala ang mga kinakailangan ng banal na katarungan. LBD 42.2
Hindi gusto ng Diyos na magtangi ang Kanyang bayan sa kanilang mga sarili. Dapat ipahayag ng mga itinalagang sugo ni Cristo ang ebanghelyo ng Kanyang biyaya sa lahat ng mga bansa, wika, at bayan. Kailangang itanyag na nagpapahayag ang Dakilang Tagapamagitan sa buong sanlibutan. Tinawagan ang iglesiang Judio na maging kinatawan ng Diyos sa makasalanang sanlibutan, at upang mapanatili ang sarili nilang bansa sa lupa na hiwalay sa lahat ng mga bansang sumasamba sa mga diyus-diyosan. Dapat silang tumayo sa sanlibutan na pinanatili ang kakaiba at banal nilang karakter. Mapananatili nila ang sarili nilang espirituwalidad sa pamamagitan ng paggawa doon sa mga hindi nagawa nina Adan at Eva—sa pagbibigay ng pagsunod sa lahat ng mga kautusan ng Diyos, at sa kanilang karakter na kumakatawan sa biyaya, kabutihan, kahabagan, at pag-ibig ng Diyos. Kaya sa kabutihan ng karakter ay makatatayo sila sa ibabaw ng bawat ibang bansa; dahil sa pamamagitan ng isang dalisay at masunuring bayan, ipapahayag ng Panginoon ang mayaman Niyang mga biyaya. Sa gayon ang mga prinsipyong namamahala sa Kanyang kaharian ay dapat parangalan sa buong sanlibutan. Kung paano sila tumutugon sa kahabagan, liwanang, at biyayang naibigay, ganoon sila magiging liwanag sa sanlibutan. Patuloy silang magtutuon ng pansin sa Diyos bilang matalino, walang kamalian, at Pinakamataas na Tagapanguna, at ang kapurihan ng Diyos ay mapapasa buong sanlibutan. LBD 42.3
. . . Panginoon natin ang Diyos, at may katulad Siyang layunin sa Kanyang matapat at nananampalatayang bayan ngayon.— Letter 26, 1894. LBD 42.4