At iyong isusulat ang mga ito sa pintuan ng iyong bahay at sa mga pasukan ng inyong mga bayan. Deuteronomio 6:9. LBD 41.1
Mula pa sa pinakaunang mga kapanahunan nagbigay ang tapat na bansang Israel ng malaking pansin sa edukasyon. Itinuro ng Panginoon na dapat maturuan ang mga kabataan, mula sa pagiging mga sanggol, tungkol sa Kanyang kabutihan at kadakilaan, lalo na sa pagkakahayag nito sa Kanyang kautusan at sa kasaysayan ng Israel. Sa pamamagitan ng awit at panalangin, at mga aralin mula sa Kasulatan, na iniakma sa pagbubukas ng isip, dapat turuan ng mga ama at mga ina ang kanilang mga anak na ang kautusan ng Diyos ay paghahayag ng Kanyang karakter, at habang tinatanggap nila ang mga prinsipyo ng kautusan sa puso, masusulat ang larawan ng Diyos sa isip at sa kaluluwa.— Child Guidance, p. 32 LBD 41.2
Kung napakahalaga kay Moises na mahayag ang mga kautusan sa banal na awit, upang habang naglalakad sila sa ilang, maaaring matutuhan ng mga anak ang pag-awit ng kautusan, talata sa talata, gaano kahalaga sa ating panahon ngayon na turuan ang ating mga anak ng ng Salita ng Diyos!— Child Guidance, p. 32. LBD 41.3
Nakasalalay ang tunay na kaligayahan sa buhay na ito at sa buhay na hinaharap sa pagsunod sa “Sinabi ng Panginoon.” . . . Hayaang maging tularan natin ang buhay ni Cristo. Gagawa si Satanas ng lahat ng puwedeng paraan upang pabagsakin ang mataas na pamantayan ng kabanalan na para bang masyado itong mahigpit. Gawain ninyong ipaalam sa inyong mga anak sa kanilang kabataan ang kaisipang nilalang sila sa larawan ng Diyos. Dumating si Cristo sa sanlibutan upang magbigay ng buhay na halimbawa kung ano ang dapat na mangyari sa kanila, at dapat na turuan ng mga magulang na nag-aangking naniniwala sa katotohanan sa kapanahunang ito ang kanilang mga anak na ibigin ang Diyos at sundin ang Kanyang kautusan. Ito ang pinakadakila at pinakamahalagang gawaing maaaring magawa ng mga ama at ina.— Child Guidance, pp. 80, 81. LBD 41.4
Dapat magsimula ang dakilang gawain ng pagbabago sa tahanan. Malakas na pampasigla ang pagsunod sa kautusan ng Diyos sa kasipagan, pagtitipid, katapatan, at matuwid na pakikitungo sa pagitan ng mga tao.— Child Guidance, p. 489. LBD 41.5
Hindi nabubuo ang isang marangal at maayos na pagkatao sa pamamagitan ng pagkakataon. Bunga ito ng proseso ng pagbubuo ng karakter sa maagang mga taon ng kabataan, at pagsasagawa ng kautusan ng Diyos sa tahanan.— Child Guidance, p. 42. LBD 41.6