Kaya’t aking iniibig ang mga utos mo nang higit kaysa ginto, higit kaysa dalisay na ginto. Awit 119:127. LBD 52.1
Sa mga mapanganib na mga araw na ito, magpapakita ba tayo ng mas kaunting pagpapahalaga sa katotohanan ng Diyos, at mas kaunting pagkakaugnay sa Kanyang kautusan, kaysa mga nakalipas na mga taon? Nagaganap na ang mga kalagayang sinabi mismo ni Cristo na mangyayari bago ang Kanyang ikalawang pagdating sa kapangyarihan at kaluwalhatian. Nagpapahina at sumisira sa tunay na pananampalataya at kabanalan ang nangingibabaw na kalapastanganan sa Diyos. Ngunit ito rin ang tanging panahon kung kailan pinakamaliwanag na magniningning ang ginto ng katapatang Cristiano na salungat sa kadiliman ng pagpapaimbabaw at kabulukan. Ngayon na dapat ipakita ng mga pinili ni Cristo ng kanilang pagtatalaga sa Kanyang paglilingkod,—ito ang panahon para dalhin ng Kanyang mga tagasunod ang pinakamarangal na patotoo para sa kanilang Panginoon sa pamamagitan ng pagtayong matibay laban sa nangingibabaw na agos ng kasamaan. LBD 52.2
Sa pagkakita natin sa mga resulta ng pagwawalang-bahala sa kautusan ng Diyos,—kawalang katapatan, pagnanakaw, kawalang pagpipigil, kalasingan, at pagpatay,—handa tayong sabihin kasama ang mang-aawit na, “Aking iniibig ang mga utos mo nang higit kaysa ginto, higit kaysa dalisay na ginto”; “sa pagsunod sa mga iyon ay may dakilang gantimpala.” Kapag isinantabi ang banal na kautusan, pinakamalaking paghihirap ang resulta nito, sa parehong mga sambahayan at lipunan. Matatagpuan ang tangi nating pag-asa sa matapat na pagsunod sa mga utos ni Jehovah. Minsang sinubukang tanggihan ng dating ateyistang bansang Pransiya ang kapangyarihan ng Diyos. Anong masasamang kaganapan ang sumunod! Isinantabi ng mga tao ang banal na utos na gaya ng pamatok ng pagkaalipin, at inilagay ang kanilang sarili sa kanilang ipinagmamalaking kalayaan sa ilalim ng pangunguna ng pinakamalupit na pinakasikat na mapaniil. Ang anarkiya at pagdanak ng dugo ang nangibabaw sa masamang kapanahunang iyon. Ipinakita nito sa sanlibutan na ang pagbabale-wala sa kautusan ng Diyos ang pinakatiyak na paraan ng pagsira sa pundasyon ng kaayusan at pamahalaan. . . . LBD 52.3
Sa halip na maramdamang tayo ngayon ay nasa pinakamaliit na antas na napawawalang sala sa patuloy na paglabag, makikilala natin na higit kaysa dati ang pag-aangkin ng katarungan ng Diyos sa atin, at ang banal na likas ng Kanyang kautusan, dahil namatay si Cristo upang mapanatili ang banal na kapangyarihan nito. Hindi magtatagal at makikita ng mga sumusunod ang mga resulta ng pagtupad sa lahat ng kautusan ng Diyos.— The Signs of the Times, December 15, 1881. LBD 52.4