Huwag ninyong isiping pumarito Ako upang sirain ang kautusan o ang mga propeta, pumarito Ako hindi upang sirain, kundi upang tuparin ang mga ito. Mateo 5:17. LBD 53.1
Pinili ng Diyos ang Israel bilang sisidlan ng walang kasing halagang kayamanan ng katotohanan para sa lahat ng mga bansa, at ibinigay Niya sa kanila ang Kanyang kautusan bilang pamantayan ng karakter na kailangan nilang pagyamanin sa harap ng sanlibutan, sa harap ng mga anghel, at sa harap ng mga hindi nagkasalang sanlibutan. . . . Dahil sa pagsuway at kawalan ng katapatan sa Diyos nagkaroon ng karakter ang piniling bayan na kabaliktad sa karakter na ninanasa ng Diyos na kanilang paglinangin sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang kautusan. Inilagay nila ang kanilang sariling anyo at lagda sa katotohanan, na iniaalis ito sa kapangyarihan ng Diyos. . . . Inililibing ang batas ng Diyos sa ilalim ng mga maliliit na pangangailangan ng mga kaanyuang panlabas—gaya ng madalas na paghuhugas ng mga kamay bago kumain, at ng paghuhugas ng mga banga at kopa. Hinihingi ang mga ikapu para sa mga simpleng mga pananim sa halamanan. Sa mga nagpapalaki sa mga maliliit na mga bagay na ito, sinabi ni Cristo, “. . . dapat sana ninyong gawin ang mga ito nang hindi pinababayaan ang iba.”. . . LBD 53.2
Sa gitna ng nakalilitong ingay ng mga tinig, kailangan ng gurong mula sa makalangit na sansinukob upang mangusap sa mga tao mula sa mga labing kinasihan, at magpahayag ng mga subukang katotohanang napakahalaga sa bawat isa. . . . LBD 53.3
Bilang isang Guro na isinugo mula sa Diyos, gawain ni Cristo na ipaliwanag ang tunay na kahulugan ng mga kautusan ng pamahalaan ng Diyos. . . . Habang inilalagay ang katotohanan sa kaligiran ng sariling batas ng Diyos, pinagliwanag Niya ito taglay ang nauna at makalangit nitong kaningningan . . . iniluklok Niya ang mga banal na kautusan kasama ang karangalan ng walang-hanggan at walang dungis na katotohanan na nagtataglay ng basbas ng Diyos, na Pinagmumulan ng lahat ng katotohanan. . . . LBD 53.4
Dumating si Cristo hindi lamang upang parangalan ang kautusan sa harap ng mga nananahan sa sanlibutang ito, kundi tiyakin ang kawalang kasiraan ng kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang buhay. . . LBD 53.5
. Hindi Niya pinababayaan ang isang nagtatalaga ng kanyang sarili sa pag-iingat Niya. Dahil minahal Niya sila dahil sa kanilang pag-ibig kay Jesus, minamahal Niya sila hanggang sa wakas.— Manuscript 125, 1901. LBD 53.6