Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan Ko ng kapahingahan. Mateo 11:28. LBD 65.1
Naririnig sa araw na ito ng inyong mga tainga ang matamis na tinig. Dumarating sa araw na ito sa inyo ang makalangit na paanyaya. Sa araw na ito ay nagsasabi ang lahat sa langit na, Halika.— The Review and Herald, August 17, 1869. LBD 65.2
Halika, sapagkat handa na ang lahat. Sinumang nagnanais, pumarito siya at malayang makibahagi sa tubig ng buhay. Ngayon natin kailangan ang kasimplihang gaya sa isang bata. Gusto nating makitang maiwaksi ang lahat ng katulad ng pagmamataas, at kapalaluan, at kahangalan. Nasa ating pananaw ang Paghuhukom. Magnanasa ang mga lalaki at babae ng kalakasang higit kaysa tulong ng tao upang masandalan. Kailangan nilang sumandal sa malakas na bisig ni Jehovah. Nasa ating pananaw ang araw na susubukin ang mga tao, at lilitisin; at gusto nating maging handa. . . . Nakikiusap kami sa inyo na alisin mula sa inyong sarili ang pagmamataas ng sanlibutan, ang pagmamalaki at kapalaluan, at ang kalokohan. Iniibig kayo ni Jesus. Nahahabag sa inyo si Jesus. Ipinadadala Niya ang buong hukbo ng mga anghel upang maglingkod sa inyo. At ngayon habang nagmamalasakit ang Kalangitan sa inyo, magmamalasakit ba kayo sa inyong mga sarili?— The Review and Herald, August 17, 1869. LBD 65.3
May ibang tila natatakot magtiwala sa salita ng Diyos na para bang magiging kapangahasan ito para sa kanila. Nananalangin silang turuan sila ng Panginoon ngunit natatakot na kunin ang salitang ipinangako ng Diyos at maniwala na naturuan Niya sila. Habang lumalapit tayo sa ating Ama sa langit na may pagpapakumbaba at espiritung nakahandang maturuan, na nakahanda at nagnanasang matuto, bakit natin pagdududahan ang katuparan ng Kanyang sariling pangako? . . . Kapag nagsikap kang matutuhan ang Kanyang kalooban, ang iyong bahagi sa pakikisama sa Diyos ay manampalatayang pangungunahan, gagabayan, at pagpapalain kayo sa paggawa ng Kanyang kalooban. . . . Si Cristo ang gumagabay sa Kanyang bayan ngayon, na itinuturo sa kanila kung saan at kung paano gumawa.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 3, pp. 1155, 1156. LBD 65.4