Subalit ang lahat ng tumanggap sa Kanya na sumasampalataya sa Kanyang pangalan ay Kanyang pinagkakalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos. Juan 1:12. LBD 10.1
Ang pagiging banal na anak ay hindi isang bagay na nakakamit natin sa ating mga sarili. Tanging ang mga tumanggap kay Cristo bilang kanilang Tagapagligtas ang binigyan ng kapangyarihan na maging mga anak na lalaki at babae ng Diyos. Hindi magagawa ng makasalanan, sa pamamagitan ng anumang sariling kapangyarihan, na alisin ang pagkakasala sa kanyang sarili. Upang maisagawa ito, kailangan niyang tumingin sa mas mataas na Kapangyarihan. Ibinulalas ni Juan, “Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.” Tanging si Cristo ang nagtataglay ng kapangyarihang linisin ang puso. Ang masasabi lamang ng naghahangad ng kapatawaran at pagtanggap ay,—“Walang bagay akong taglay; Tanging sa krus ako kumakapit.” Ngunit ibinigay ang pangako ng pagiging anak sa lahat ng “nananampalataya sa Kanyang pangalan.” Tatanggap ng kapatawaran ang bawat lumalapit kay Jesus nang may pananampalataya.— The Review and Herald, September 3, 1903. LBD 10.2
Bumabago ng puso ang relihiyon ni Cristo. Ginagawa nitong makalangit ang kaisipang makasanlibutan. Sa ilalim ng impluwensya nito, nagiging dimakasarili ang makasarili, dahil ito ang karakter ni Cristo. Nagiging matuwid ang taong sinungaling at tuso, na anupa’t nagiging likas sa kanyang gawin sa iba ang gusto niyang gawin sa kanya. Nababago ang nalulong sa kalayawan mula sa karumihan tungo sa kadalisayan. Bumubuo siya ng mga wastong gawi; dahil naging isang samyong mula sa buhay tungo sa buhay sa kanya ang ebanghelyo ni Cristo.— The Southern Work, February 7, 1905. LBD 10.3
Dapat mahayag ang Diyos kay Cristo na, “pinagkasundo . . . ang sanlibutan at ang Kanyang sarili.” Labis na sinira ng kasalanan ang tao na anupa’t naging imposible para sa kanya, sa kanyang ganang sarili, na maabot ang pakikiisa sa Kanyang ang likas ay kadalisayan at kabutihan. Ngunit si Cristo, matapos tubusin ang tao mula sa kahatulan ng kautusan ay maaaring magbigay ng banal na kapangyarihan, upang makiisa sa pagsisikap ng katauhan. Kaya sa pamamagitan ng pagsisisi sa Diyos at pananampalataya kay Cristo, maaaring muling maging mga “anak ng Diyos” ang mga nagkasalang anak ni Adan.— Patriarchs and Prophets, p. 64. LBD 10.4
Kapag tumatanggap ang isang kaluluwa kay Cristo, siya ay tumatanggap ng kapangyarihang isakabuhayan ang buhay ni Cristo.— Christ’s Object Lessons, p. 314. LBD 10.5