Upang maiharap sa Kanyang sarili ang isang maluwalhating iglesya, na walang batik, o kulubot, o anumang gayong bagay, kundi siya ay maging banal at walang dungis. Efeso 5:27. LBD 11.1
Ang iglesia, mahina at may kasiraan man ito, ay siyang tanging bagay sa sanlibutan na binibigyan ni Cristo ng Kanyang pinakamataas na malasakit. Patuloy Niya itong binabantayan nang may pag-aabala, at LBD 11.2
pinalalakas sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu. Pahihintulutan ba natin, bilang mga kaanib ng Kanyang iglesia, Siyang maimpluwensyahan ang ating mga kaisipan at gumawa sa pamamagitan natin para sa Kanyang kaluwalhatian?— Ellen G. White Manuscript 155, 1902. LBD 11.3
Iniibig ni Cristo ang Kanyang iglesia. Ibibigay Niya ang lahat ng kinakailangang tulong sa mga tumatawag sa Kanya para sa kalakasan para sa pagbubuo ng karakter na gaya ng kay Cristo. Ngunit hindi kahinaan ang Kanyang pag-ibig. Hindi Siya maglilingkod kasama ang kanilang mga kasalanan o bibigyan sila ng kasaganahan habang nagpapatuloy sila sa pagsunod sa maling landas. Sa pamamagitan lamang ng matapat na pagsisisi mapapatawad ang kanilang mga kasalanan; dahil hindi tatakpan ng Diyos ng kasuotan ng Kanyang katuwiran ang kasamaan. Pararangalan Niya ang matapat na paglilingkod. Pagpapalain Niyang masagana iyong naglalahad sa kanilang kapwa ng Kanyang katarungan, kahabagan, at pag-ibig. Pahintulutang lumakad sa Kanyang harapan ang mga naglilingkod sa Kanya na may tunay na pagpapakumbaba, na matapat na sumusunod sa Kanyang mga hakbang, na pinahahalagahan ang mga banal na prinsipyo na mananatili sa loob ng walanghanggang kapanahunan. Hayaan silang ihayag sa salita at gawa na sumusunod sila sa mga kautusang sinusunod sa langit.— Ellen G. White Manuscript 52, 1901. LBD 11.4
Ang iglesia ang siyang sisidlan ng kayamanan ng biyaya ni Cristo; at pamamagitan ng iglesia mahahayag Siya, maging sa “mga pinuno at sa mga kapamahalaan sa sangkalangitan,” ang huli at ganap na paghahayag ng pagibig ng Diyos. . . . Tanggulan ng Diyos ang iglesia, ang Kanyang lunsod na kublihan, na Kanyang pinananatili sa isang sanlibutang naghihimagsik. . . . LBD 11.5
Ito ang teatro ng Kanyang biyaya, kung saan nagagalak Siyang ipahayag ang Kanyang kapangyarihan na magbago ng mga puso.— The Acts of the Apostles, pp. 9-12. LBD 11.6
Walang-hanggan ang pag-ibig ng Diyos para sa Kanyang iglesia. Walang tigil ang Kanyang pag-aaruga sa Kanyang mana.— The General Conference Bulletin, July 1, 1900. LBD 11.7