“O Panginoon, makinig ka; O Panginoon, magpatawad ka; O Panginoon, makinig ka at kumilos ka! Alang-alang sa iyong sarili, O aking Diyos, huwag mong ipagpaliban sapagkat ang iyong lunsod at ang iyong sambayanan ay tinatawag sa iyong pangalan” Daniel 9:19, TKK 319.1
Ama sa langit, sinabi Mo, “Humingi kayo, at kayo ay bibigyan; humanap kayo, at kayo ay makakatagpo, tumuktok kayo, at kayo'y pagbubuksan” (Mateo 7:7). Ama sa langit, kailangan namin ang Iyong Banal na Espiritu. Hindi namin nais na gumawa sa aming mga sarili, kapag lamang kami ay gagawa nang may pagkakaisa sa Diyos. Nais naming mapunta sa isang kalagayan kung saan ang Banal na Espiritu ng Diyos ay mapapasa amin kasama ang nagpapasigla at nagpapabanal na kapangyarihan nito. Nawa'y ipahayag Mo ang Iyong sarili sa amin sa umagang ito mismo! Nawa'y alisin mo ang bawat ambon at bawat ulap ng kadiliman! TKK 319.2
Kami'y lumalapit sa Iyo, aming mahabaging Manunubos; at hinihiling namin sa Iyo, alang-alang kay Cristo—para sa kapakanan ng Iyong sariling Anak, aking Ama, na ihayag Mo ang Iyong kapangyarihan dito sa Iyong bayan. Nais namin ng karanungan; nais namin ng katuwiran; nais namin ng katotohanan; nais namin na ang Banal na Espiritu ay sumaamin. TKK 319.3
Iyong inilahad sa harap namin ang isang dakilang gawain na kailangang isulong sa ngalan ng mga nasa katotohanan, at alang-alang sa mga mangmang sa ating pananampalataya; at O, Panginoon, dahil ipinagkaloob Mo sa bawat tao ang kanyang gawain, nagsusumamo kami sa Iyo na ang Banal na Espiritu ay nawa'y ikintal sa isipan ng tao ang tungkol sa pasanin ng gawaing mananatili sa bawat isang kaluluwa, ayon sa Iyong banal na pagtatalaga. Nais naming mapatunayan; nais naming pakabanalin nang lubusan; nais naming maging angkop para sa gawain; at dito, dito mismo sa pagpupulong ng kumperensiya, nais naming makita ang kapahayagan ng Banal na Espiritu ng Diyos. Nais namin ng liwanag, Panginoon—Ikaw ang Liwanag. Nais namin ng katotohanan, Panginoon—Ikaw ang katotohanan. Nais namin ang tamang daan—Ikaw ang Daan. TKK 319.4
Panginoon, ako'y nagsusumamo sa Iyo na kaming lahat ay maging sapat na matalino upang maunawaan na ang bawat isa ay dapat buksan ang puso kay Jesu-Cristo, upang sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, Siya ay makapapasok upang hubugin at anyuin tayong muli, ayon sa banal na Larawan. O, aking Ama, aking Ama! tunawin at supilin ang aming mga puso.— THE GENERAL cONFERENCE BULLETIN, April 2,1903. TKK 319.5