Nang makita nila ang katapangan nina Pedro at Juan, at nang malamang sila'y mga taong walang pinag-aralan at mga karaniwan lamang, ay namangha sila at kanilang nakilala na sila'y mga kasama ni Jesus. Mga Gawa 4:13. TKK 331.1
Kung ating bubuksan kay Jesus ang pintuan, papasok Siya at mananahang kasama natin. Ang ating lakas ay laging mapatitibay ng Kanyang aktwal na kinatawan, ang Banal na Espiritu. TKK 331.2
Ang katotohanan ay isang buhay na prinsipyong pinasisinag sa mahalagang kaliwanagan sa pang-unawa, at pagkatapos, oh, pagkatapos, ito ay panahon para magsalita mula sa nabubuhay na Cristo. “Sapagkat kami ay mga kamanggagawa ng Diyos” (1 Corinto 3:9). TKK 331.3
Sa pagbuhos ng huling ulan, ang mga imbensyon ng tao, ang mga makinarya ng tao, ay may panahong maaalis, ang hangganan ng awtoridad ng tao ay magiging mga sirang mga tambo, at magsasalita ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng nabubuhay na mga taong may kapangyarihang mangumbinse. Walang sinuman sa pagkakataong iyon ang titingin kung maayos ang mga pangungusap, kung walang kakulangan ang gramatika. Dadaloy ang tubig ng buhay sa agusan ng Diyos Nasisiguro kong mayroong langit na puno ng pinakamayaman at nagpapatuloy na mga kayamanang malayang ibibigay sa lahat ng maglalaan nito sa kanilang mga sarili, at magiging pinagyaman, sa gayon, ay malayang magbibigay sa iba. Nalalaman kong ito'y siyang katotohanan. TKK 331.4
Kailangan nating magtamo ng isang mayaman at araw-araw na karanasan sa pananalangin, dapat tayong maging gaya ng makulit na balo, na sa kanyang nalalamang pangangailangan, ay nagtagumpay sa hukom na di-matuwid sa pamamagitan lamang ng puwersa ng kanyang determinadong mga pakiusap. Ang Diyos ay dapat lapitan para gawin ang mga bagay na ito para sa atin; sapagkat nagbibigay ito ng lalim at tibay sa ating karanasan. Dapat maging taimtim ang kaluluwang humahanap sa Diyos. Siya ay tagapagbigay ng gantimpala sa lahat ng sa Kanya'y matiyagang lumalapit. . . . TKK 331.5
Nais natin ang katotohanang sinalita sa puso ng mga tao sa pamamagitan ng mga taong nabautismuhan ng banal na pag-ibig kay Cristo, at para sa mga binili ng dugo ni Cristo, ang mga taong sa kanilang sarili ay lubusang natatakan ng katotohanan na kanilang ipinahahayag sa iba; na sila rin naman ay nagsasagawa nito sa kanilang sariling buhay.— THE GENERAL CoNfERENCE BULLETIN, February 15,1895. TKK 331.6