Subalit gawin ang lahat ng mga bagay nang nararapat at may kaayusan, 1 Corinto 14:40, TKK 338.1
Nakilala ko ang isang lalaki at ang kanyang asawang nagaangking sumusunod sa Salita ng Diyos at naniniwala sa mga Patotoo. Mayroon silang kakaibang karanasan nang nakalipas na dalawa o tatlong taon. Para naman silang may tapat na pusong mga tao. . . . TKK 338.2
Sinabihan ko ang kapatid na ito at ang kanyang asawa na ang karanasang pinagdaanan ko nung kabataan ko, maikling panahon makalipas noong 1844, ay nagdala sa aking maging napakaingat sa pagtanggap ng anumang katulad ng kinaharap namin noon at pinagwikaan sa pangalan ng Panginoon. TKK 338.3
Walang malaking panganib ang magagawa sa gawain ng Diyos sa panahong ito malibang payagan natin ang Espiritu ng panatisismo na pumasok sa ating mga iglesya, na sinasamahan ng mga kakaibang mga paggawa na nagkakamaling inaakalang paggawa ng Espiritu ng Diyos. TKK 338.4
Habang ang kapatid na ito at ang kanyang asawa ay inihahanay ang kanilang mga karanasan, na inaangkin nilang dumating sa kanila bilang resulta ng pagtanggap nila ng Banal na Espiritu na may kapangyarihan ng mga apostol, wari bagang ito ay kopya ng kung saan tayo ay tinawag na harapin at itama sa nauna nating karanasan. TKK 338.5
Sa pagtatapos ng aming pag-uusap si Brother L ay nagmungkahi na magkaisa tayo sa pananalangin, na nagtataglay ng kaisipang maaaring pagkatapos na manalangin ang kanyang asawa ay magpapakita ng gaya ng kanilang inilarawan sa akin, at iyon pagkatapos ay maaari kong makita kung ito ay sa Panginoon o hindi. Hindi ako maaaring pumayag dito, dahil pinagsabihan ako na kung ang isa ay magpapakita ng mga ganitong mga palatandaan, siguradong patunay ito na hindi ito gawa ng Diyos. Hindi natin dapat hayaan ang ganitong karanasan na mag-akay sa ating manghina. Darating sa atin ang ganoong karanasan sa iba't ibang panahon. Huwag tayong magbigay ng lugar sa mga kakaibang mga paggawa, na talagang kumukuha ng isipan palayo sa pagkilos ng Banal na Espiritu. Ang gawain ng Diyos ay laging inilalarawan ng pagiging kalmado at dignidad. Hindi natin maaaring hayaan ang anuman na magdadala ng kalituhan at magpapahina ng ating kasigasigan na may kinalaman sa dakilang gawaing ibinigay ng Diyos sa atin para gawin sa sanlibutan para maghanda sa ikalawang pagdating ni Cristo.— SELECTED MESSAGES, vol. 2, pp. 41, 42 . TKK 338.6