Dapat na kanyang pinanghahawakang mabuti ang tapat na salita na ayon sa turo, upang makapangaral siya ng wastong aral, at pabulaanan ang mga sumasalungat dito. Tito 1:9. TKK 337.1
May nagpapatuloy na panganib na ang isang bagay ay hayaang pumasok sa ating kalagitnaan na binibilang nating paggawa ng Banal na Espiritu, na sa katotohanan ay bunga ng Espiritu ng panatisismo. Hanggang hinahayaan natin ang kaaway ng katotohanang akayin tayo sa maling daan, hindi tayo makaaasa na maabot ng ikatlong mensahe ng anghel ang mga may tapat na puso. Dapat tayong magpakabanal sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan. Natatakot ako sa anumang bagay na may inklinasyong ilayo ang isipan mula sa matatag na patunay ng katotohanang inihayag sa Salita ng Diyos. Ako'y natatakot dito; ako'y natatakot dito. TKK 337.2
Dapat nating dalhin ang ating mga isipan sa nasasakupan ng katwiran, kung hindi ay papasok ang kaaway para ilagay ang lahat sa magulong paraan. May mga taong may magugulating ugali na madaling maakay sa panatisismo; at kung papayagan nating pumasok ang anuman sa ating mga iglesya na aakay sa taong iyon sa kamalian, hindi magtatagal ay makikita natin ang mga kamaliang ito na dadalhin sa kasukdulan, at pagkatapos ay dahil sa pamamaraan nitong magugulong mga elemento, mananatili ang dungis sa pangalan sa buong katawan ng Seventh-Day Adventist. TKK 337.3
Aking pinag-aaralan kung paano muling makapaglathala ng ilang mga naunang ganitong karanasan, upang makaalam ang ating mga tao, sapagkat matagal ko nang nalalamang ang panatisismo ay magpapakita muli, sa ibang paraan. Dapat nating patatagin ang ating posisyon sa pamamagitan ng pagtutuon sa Salita, at sa pag-iwas sa lahat ng mga kakatwa at mga kakaibang kaisipang ang ilan ay magiging mabilis sa pagtanggap at pagsasagawa. Kung hahayaan natin ang kalituhang pumasok sa atin, hindi natin mapanghahawakan ang ating gawain kung paanong nararapat. . . . TKK 337.4
Talagang natatakot akong magkaroon ng anumang may likas ng pagkapanatiko na madala sa atin. May marami, marami sa atin ang dapat magpakabanal, ngunit dapat silang pakabanalin sa pamamagitan ng pagsunod sa mensahe ng katotohanan.— SELECTED MESSAGES, vol. 2, pp. 43, 44 . TKK 337.5