Ngayon nga'y wala nang kahatulan sa mga na kay Cristo Jesus, Roma 8:1 TKK 363.1
Ipinangako ang Banal na Espiritu na makasasama niyaong mga nakikipagpunyagi para sa tagumpay, na ipinakikita ang kapangyarihan ng kalakasan sa pamamagitan ng pagbibigay sa taong sinugo taglay ang hindi natural na lakas, na nagtuturo sa mga walang alam sa hiwaga ng kaharian ng Diyos. Ang Banal na Espiritu ang ating magiging katulong. Sa anong kapakinabangang nagpakumbaba ang bugtong na Anak ng Diyos ng Kanyang sarili, hinarap ang mga pagtukso ng tusong kaaway, at nakipaglaban sa kanya sa buong buhay Niya sa lupa, at namatay, ang matuwid sa hindi matuwid, upang hindi mapahamak ang sangkatauhan, kung hindi ipinagkaloob ang Espiritu bilang patuloy na gumagawa, nagpapasiglang kinatawan para gawing epektibo sa ating kalagayan kung anuman ang isinakatuparan ng Tagapagligtas ng mundo? TKK 363.2
Ang Banal na Espiritu na ipinunla sa mga alagad ay nagpalakas sa kanilang tumayong matibay laban sa idolatriya, at itaas ang Panginoon lamang. TKK 363.3
Ginabayan ng Banal na Espiritu ang mga panulat ng mga banal na mananalaysay upang maipakita sa sanlibutan ang mga tala ng mahahalagang salita at mga gawa ni Cristo. Patuloy na gumagawa ang Banal na Espiritu na inaakay palapit ang atensyon ng mga tao sa dakilang sakripisyong ginawa sa krus ng kalbaryo, para ihayag sa sanlibutan ang pag-ibig ng Diyos sa tao, at para buksan sa kaluluwang nakadama ng pagkakasala ang mga mahahalagang pangako ng mga Kasulatan. TKK 363.4
Ang Banal na Espiritu ang nagdadala sa nadidilimang isipan ng maliwanag na sinag ng Araw ng Katuwiran. Ang Banal na Espiritu ang nagpapaalab sa loob ng puso ng tao ng ginising na katalinuhan ng mga katotohanan ng walang hanggan. Ang Banal na Espiritu ang nagpapakita sa isipan ng moral na pamantayan ng katuwiran at kumukumbinse sa kasalanan. Ang Banal na Espiritu ang naglalagay ng banal na pagkalungkot na gumagawa ng pagsisising kailangang ipagsisi, at nagpapasigla ng pananampalataya sa Kanya na tanging makapagliligtas mula sa kasalanan. Ang Banal na Espiritu ang gumagawa para baguhin ang karakter sa paghihiwalay ng damdamin ng tao mula sa mga bagay na pansamantala at nasisira, at nagtutuon nito sa mga walang katapusang mana, ang walang hanggang kayamanang hindi nasisira. Ang Banal na Espiritu ay lumilikhang muli, naglilinang, at nagpapabanal ng mga taong ahente, upang sila ay maging mga miyembro ng makaharing pamilya, mga anak ng makalangit na Hari.— SIGNS OF THE TIMES, April 17,1893. TKK 363.5