Ngunit sa lahat ng mga bagay na ito, tayo'y higit pa sa mga nagtatagumpay sa pamamagitan niya na sa atin ay umibig, Roma 8:37 TKK 362.1
Nasa harapan mo ang gawain para mapabuti ang nalabi ng iyong pananampalataya sa pagbabago at pag-aangat ng karakter. Nag-uumpisa ang bagong buhay sa kaluluwang binago. Si Cristo ang nananahang Tagapagligtas. Iyong mga ibinibilang na mahirap bitawan ay dapat isuko. Huwag nang salitain ang dominante at diktador na salita; pagkatapos ay makukuha ang mahalagang tagumpay. TKK 362.2
Ang tunay na kaligayahan ay magiging resulta ng lahat ng pagtanggi sa sarili, ng bawat pagpapako ng sarili. Isang tagumpay na nakuha, ang susunod ay mas madaling makakamit. Kung pinabayaan ni Moises ang mga oportunidad at mga pribilehiyong ibinigay sa kanya ng Diyos, mapababayaan niya ang liwanag mula sa langit at magiging isang bigo at miserableng tao. Nanggagaling sa ilalim ang kasalanan; at kapag ito ay nagpasasa, nailuluklok sa kaluluwa si Satanas, nandoon para sindihan ang mismong apoy ng impiyerno. Hindi ibinigay ng Diyos ang Kanyang kautusan para pigilan ang kaligtasan ng kaluluwa, sa halip ay nais Niyang maligtas ang lahat. Taglay ng tao ang liwanag at mga oportunidad, at kung kanya itong palalaguin ay maaari siyang magtagumpay. Maipapakita mo sa iyong buhay ang kapangyarihan ng biyaya ng Diyos sa pagtatagumpay. TKK 362.3
Nagsisikap si Satanas na itayo ang kanyang luklukan sa templo ng kaluluwa. Kapag naghari siya ay ginagawa niya ang sarili niya na marinig at maramdaman sa galit na mga damdamin, sa salita ng sama ng loob na pinipighati ang sugat, ngunit kung paanong ang liwanag ay walang pakikisama sa liwanag, at si Jesus ay walang pakikisama kay Belial, dapat maging buo ang tao para sa isa o sa iba. Sa pagpapasakop sa sariling kalayawan, pag-ibig sa salapi, daya, panloloko, o anumang uri ng kasalanan, kanyang hinihikayat ang mga prinsipyo ni Satanas sa kanyang kaluluwa at isinasara ang pintuan ng langit sa sarili niya. Dahil sa kasalanan, pinalayas si Satanas mula sa langit; at walang sinumang nagpapakasasa at nagkakandili ng kasalanan ang makapupunta sa langit; sapagkat kung gayon si Satanas ay muling magkakaroon ng panghahawakan doon. TKK 362.4
Kapag ang tao ay taimtim na nakikibahagi araw-araw sa pananagumpay sa mga depekto sa kanyang mga karakter, kanyang iniibig si Cristo sa templo ng kaluluwa; sumasakanya ang liwanag ni Cristo. Sa ilalim ng nakasisilaw na mga sinag ng liwanag ng mukha ni Cristo ang kanyang buong pagkatao ay naiaangat at napapadakila.— TESTIMONIES FOR THE CHURCH, vol. 4, pp. 345, 346 . TKK 362.5