“Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa siyamnapu't siyam na taong matuwid na hindi nangangailangan ng pagsisisi” Lueas 15:7 TKK 365.1
Palaging nakikipaglaban ang mga ahensya ni Satanas para sa pagpigil sa isipan ng tao, ngunit walang tigil na gumagawa ang mga anghel ng Diyos, na nagpapalakas ng mahihinang mga kamay at pinatitibay ang mahihinang tuhod ng lahat ng tumatawag sa Diyos para sa tulong. Ang pangako sa bawat anak ng Diyos ay, “Humingi kayo, at kayo ay bibigyan; humanap kayo, at kayo ay makakatagpo, tumuktok kayo, at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakakatagpo; at ang tumutuktok ay pinagbubuksan” (Mateo 7:7, 8). TKK 365.2
Ang Panginoon ay may mga lalaki at babaeng totoo sa puso, yaong mga nakipagtipan sa Kanya sa pamamagitan ng sakripisyo. Hindi sila lumihis sa kanilang integridad. Naingatan nilang ang kanilang sariling walang dungis ng sanlibutan, at sila'y pinangunahan ng liwanag ng buhay para talunin ang layunin ng tusong kaaway. Gagawin ba ng mga tao ang kanilang bahagi sa pagtanggi sa demonyo? Kung gagawin nila ito, siya'y siguradong tatakas mula sa kanila. Ang mga anghel na gagawa sa iyo ng mga hindi mo magagawa sa iyong sarili, ay naghihintay ng iyong kooperasyon. Naghihintay sila sa iyong pagtugon sa pag-aakay ni Cristo. Lumapit sa Diyos at huwag sa sinumang iba. Sa pagnanasa, sa pamamagitan ng tahimik na pananalangin, sa pamamagitan ng pagtanggi sa mga pamamaraan ni Satanas, ilagay ang iyong kalooban sa tabi ng kalooban ng Diyos. Bagamat may isang kalooban kang tatanggihan ang demonyo, at taimtim na manalangin, Iligtas mo ako sa mga tukso, magkakaroon ka ng lakas para sa iyong araw. TKK 365.3
Iyon ay gawain ng mga makalangit na anghel na lumapit sa mga sinusubok, mga tinutukso, at mga nagdurusa. Sila'y gumagawang patuloy at walang pagod para magligtas ng mga kaluluwang kinamatayan ni Cristo. At kapag ang mga kaluluwa ay kinilala ang kanilang mga pakinabang, at kinilala ang makalangit na tulong na ipinadala sa kanila, at tumugon sa paggawa ng Banal na Espiritu para sa kanila; kapag inilagay nila ang kanilang kalooban sa panig ng kalooban ni Cristo, dinadala ng mga anghel ang balita patungo sa langit. Pabalik sa mga bulwagan ng langit, kanilang iniuulat ang kanilang tagumpay sa mga kaluluwang kanilang pinaglingkuran, at may pagsasaya sa mga anghel ng langit.— REVIEW AND HERALD, July 4,1899. TKK 365.4