“Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya, Ang magtagumpay ay siya kong pakakainin sa punungkahoy ng buhay na nasa paraiso ng Diyos,” Apocalipsis 2:7 TKK 369.1
May kinalaman ang mensaheng ito sa lahat ng iglesya. Hindi mo kailanman magagamit ang iyong pandinig ng higit na mabuti kaysa pakikinig para dinggin ang tinig ng Diyos na nagsasalita sa iyo sa Kanyang Salita. Mayroong mayaman at saganang pangako para sa mga nagtagumpay. Hindi sapat na pumasok sa pakikipagdigmaang ito, dapat harapin natin ito hanggang katapusan. Hindi tayo dapat susuko. Dapat tayong lumaban ng mabuting pakikipaglaban ng pananampalataya hanggang sa katapusan. Ipinangako sa mga mapagtagumpay ang pagdiriwang ng tagumpay. “Ang magtagumpay ay siya kong pakakainin sa punungkahoy ng buhay na nasa paraiso ng Diyos.” Anumang nawala sa pagbagsak ni Adan ay higit pang maisasauli sa pagtubos. Siyang nakaupo sa luklukasn ay nagsabing, “Masdan ninyo, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay” (Apocalipsis 21:5). TKK 369.2
Ating tingnang malapit at mapanuri sa sarili natin. Hindi ba nalalabag ang ating mga sumpang ginawa sa ating bautismo? Patay na ba tayo sa sanlibutan at nabubuhay kay Cristo? Atin bang hinahanap ang mga bagay sa itaas, kung saan nauupo si Cristo sa kanang kamay ng Diyos? Naputol ba ang taling nag- angkla sa atin sa walang hanggang Bato? Nadadala ba tayo ng agos tungo sa kapahamakan? Hindi ba tayo magsisikap na ipagdiinan at ipilit ang ating daanan pasalungat sa agos? Huwag na tayong magdalawang isip, sa halip ay masiglang gamitin ang mga sagwan; at ating isagawa ang una nating gawain kung hindi ay mangyayari ang walang pag-asang pagkawasak ng barko. TKK 369.3
Ating tungkuling malaman ang ating espesyal na mga kamalian at mga kasalanan, na dahilan ng kadiliman at espiritwal na kahinaan, at pumawi ng ating unang pag-ibig. Ito ba ay pagiging makasanlibutan? Pagkamakasarili? Ito ba ay pag-ibig sa pagtitiwala sa sarili? Ito ba ay ang pagsisikap na maging una? Ito ba ay ang kasalanan ng kahalayan na sobrang aktibo? Ito ba ay ang kasalanan ng mga Nikolaita, na pinapaging kalibugan ang biyaya ng Diyos? Ito ba ay ang pag-abuso sa maling paggamit ng liwanag at mga oportunidad at mga pribilehiyo, na nagmamayabang ng karunungan at kaalamang panrelihiyon, habang ang buhay at karakter ay hindi pabagu-bago at imoral? Anuman iyon na pagpapalayaw at pinalalago hanggang sa ito ay maging malakas at nag- uumapaw, gumawa ng determinadong pagsisikap na magtagumpay, kung hindi ikaw ay matatalo.— REVIEW AND HERALD, June 7,1887. TKK 369.4